Allyson's Point of View
"Rise and shine, sleepy head!" Sigaw ko kay Kat at binato siya nang unan.
Of course, nakakunot agad ang noo niya nang tumingin siya sa'kin, "What the hell, Ally." Inis niyang sabi sa'kin bago pumasok sa bathroom.
Kakaligo ko lang and I took my phone. Plano kong i-greet si Vince.
May Instagram story siya and I viewed it. Ginising pala siya nang family niya at exactly 12 am by singing him a happy birthday song.
I already followed him on insta.
Allyyu: hey, vince. Happy seventeenth birthday. i'm happy that I met you and always know that u will always have a bestfriend here. Love, ally :*
Hindi pa nagtagal ay nag-reply na siya.
Vincollins: oww, thanks ally. U also have a bestfriend here when u need me, haha :)
Hindi na ako nag-reply at bumaba na para makakain.
"Sana all, binabati nang BESTFRIEND." Sabi bigla ni Sam habang kumakain kami, emphasizing the word 'besfriend'.
Hmm, weird.
"Oo nga 'noh. Sa'n kaya ako pwedeng makahanap nang BOY BESTFRIEND?" Sabi naman ni Yassie.
Okay, weird na talaga. Si Kat, wala lang. Masama kasi gising eh.
"Anong nangyayari sainyo?" Tanong ko.
"Really, Ally? 'Di mo parin gets?"
Napaisip ako.
Teka –
"Paano niyo nalaman?" Tanong ko agad sa kanila.
Kinuha ni Sam ang phone niya at pinakita sa'kin ang IG Story ni Vince.
Ini-screenshot niya 'yung birthday greeting ko sa kaniya tapos linagyan niya nang caption na 'luckily, I found my bestfriend' and tagged me. Ghad!
"U-uhm.." 'Di ako makasalita dahil sa tingin nang mga pinsan ko sa'kin.
"W-what's the big deal? Bestfriends lang naman kami." Page-explain ko sa side ko. Napaka-malisyosa talaga nang dalawang 'to.
"Ows? I'm happy that I met you?" Pange-echos ni Sam. Sinamaan ko naman siya nang tingin.
"Anong masama? Unlike the guys you have, sa'kin, mabait si Vince." Kalmadong sambit ko.
Nag-kibit balikat nalang sila at bumalik na sa pag-kain.
Pagadating namin sa school, kinunchaba agad kami nina Drei at Chase para i-surprise si Vince pagkapasok niya sa classroom.
In-off namin ang ilaw at may dala kaming confetti, ewan ko kung bakit may pa ganito pa sila. Kawawa ang cleaners mamaya. Tapos may tarp na may 'Happy Birthday, Vince!' na nakalagay.
"Okay, maghanda na kayo. Papasok na raw siya sa school," pagi-inform ni Drei.
"Ally, ready ka na sa grand entrance mo?" Tanong ni Sam at tumawa.
"Che."
Ako kasi ang napag-tripan nilang magdala nang cake ni Vince.
-___-
"Shh..."
Naaninag na namin si Vince. Sinarado kasi nila ang pinto at ang mga bintana naman, binuksan lang nang kaunti para makita namin kung nandiyan na si Vince.
"May tao ba?" Katok niya.
Para siyang nawawalang tuta. Gusto ko nang matawa pero ayokong sirain ang surprise nila. Ano ba naman 'to si Vince, wala talagang kaide-ideya!
BINABASA MO ANG
My Perfect Pair
Teen FictionApat na mag-pinsan. Apat na mag-kaibigan. Pagtatagpuin sila ng Tadhana sa 'di inaakalang pagkakataon. Tadhana na ba talaga? O nagkataon lang?