Chapter 17: RPW

14 0 0
                                    

Samantha's Point of View

Today is already Friday. Aaah! Buti naman makakatugtug na ulit kami bukas. I miss banging drums.

"Good morning, Saint Richard!" Sigaw ko bago kami pumasok sa loob.

"Ingay mo talaga, Sam!" Inis na reklamo ni Kat kaya napatawa ako.

"Ang init talaga ng ulo mo, Kat! Bakit kaya?" Pange-echos ko sa kaniya.

"Dahil kay boo. Boo-shet." Singit ni Yassie. Nag-apir kaming dalawa at nagtawanan kami.

Sinamaan naman kami ni Kat.

"Leche kayo." Inis na sabi niya at binilisan pa ang lakad.

"Luh, fast walk?" Sabi pa ni Yassie.

"Kayo kasi e. Naiinis na nga sa ex niyang ayaw siyang tigilan, inaasar niyo pa. Ang babait niyo rin namang pinsan. Diyan na nga kayo, sasabayan ko lang." Sabi ni Ally sa'min at sinabayan ng lakad si Kat.

Umiling iling lang kami ni Yassie. Nagkakasundo talaga kami kapag pang-aasar ang usapan.

Kung bakit ang init ng ulo ni Kat e dahil lang naman kay James. Pinagkaguluhan sila sa twitter kagabi dahil sa tadtad na tweets ni James tungkol sa kanila at hanggang mag-umaga na kaya ayan, ang sama ng gising ni Kat.

Hindi naman talaga kami boto diyan sa James na 'yan e. Heartthrob kaya maraming girls.

Nakita kasi namin bigla 'yang si James na may kasamang babae noon sa mall, magkahawak kamay pa at ang sweet sweet sa isa't isa.

Inaasar asar nga namin 'yan si Kat e kasi ang cringe ng tawagan nila.

Boo?

Boo-shet?

Boo-ndok?

Boo-tike?

Boo-wan?

WAHAHAHAHA! Nakakatawa talaga ang tawagan nila.

Nang makarating kami sa room ay agad uminit ang ulo ko.

Nasilayan ko na naman kasi ang isa sa mga kampon ni Satanas. Walang iba kundi si Chase Ferrer.

Argh! Nakakainis talaga siya. 'Yong tipong kakakita mo palang sa kaniya ay parang gusto mo na siyang patayin, grr!

"Oy, panget! Nandiyan ka na pala."

See? Urgh, feeling close talaga.

"Oo, 'di mo napansin?" Sagot ko sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.

"Hindi e. Ang mga gwapo kasing katulad ko ay hindi nakakapansin ng mga panget. Gets mo?"

TALAGANG!!

"Oh talaga? Mukhang mali ata 'yang sinasabi mo e. Baka kako ang mga magagandang tulad ko, hindi nakakapansin ng mga panget at demonyo at baklang katulad mo!" Pangiinsulto ko rin sa kaniya.

Tumaas din ang kilay niya, "Bakla? Hindi ako bakla."

I crossed my arms, "Hindi rin ako panget."

"Indenial."

"Ikaw rin."

Hah!

"Baka sinasabi mo lang na bakla ako dahil hindi mo matanggap tanggap na sobrang gwapo ko at sobrang daming girls ang nagkakagusto sa'kin. 'Diba girls?" At nagsitilian naman ang girls.

Ugh, mga uto uto.

"Ano?" Panghahamon niya.

"Sus, hindi rin. Sinasabi kong bakla ka kasi walang lalaki ang pumapatol sa asaran ng isang babae at wala ring lalaking kung makapanlait ay sobra pa sa isang babae. 'Diba boys?"

My Perfect PairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon