Yassie's Point of View
"What? Pumayag kang maging Secretary ni Ace sa whole school?" Tanong ni Ally. I already told them about everything.
Tss, sinasabi ko na nga ba e.
I sighed, "Oo na. Alam kong ako na ang tanga. Hays! Kung hindi lang talaga dahil sa offer ni Teacher Faye na mga awards na 'yun e. This is so –"
"SO GREAT!" Sabay nilang sigaw sa'kin tatlo. Kumunot ang noo ko.
"Anong great dun? Akala ko ba natatangahan na kayo sa'kin?"
Tumawa naman si Sam, "At bakit mo naman naisip 'yan?"
"Dahil sa mga reactions ninyo? Okay, look. It doesn't matter. I'm backing out as his Secretary. Tss, hindi pa nga official ang pagiging secretary ko, nakautos na agad." Inis kong sabi. Naiinis talaga ako kahit naiisip ko lang siya. Ugh! May galit factor talaga ako na nakalaan lang para sa kaniya.
"Anong utos naman?" –Kat.
"Inutusan daw ba ako na dapat nandun na daw ako sa Principal's office by 12:30 sa tanghali. E syempre, umayaw ako kasi haler! Nandito pa tayo sa bahay niyan 'noh. Anong akala niya? Sinuswerte siya? Tss."
"So anong sabi niya?" –Ally. Grabe, sobrang interesado ng mga 'to tungkol kay Ace ah.
"Ayun na nga, sabi niya, sabay nalang daw kaming magla-lunch bukas. Oh 'diba? Ang tanga lang ng idea niya? Tss! Argh! Dapat talaga 'di nalang ako nagpasilaw sa awards na 'yun e!"
Na-weirduhan ako kasi natahimik sila bigla.
"Okay lang kayo, guys?"
"KYAAH!"
Huh?
"Sabay kayong magla-lunch bukas? Oh my Gosh!" Tugon ni Sam na kilig na kilig.
"Ano namang meron dun?"
"Girl! Ano ka ba, late ka na ba sa panahon natin? E 'diba nga, when a guy wants to have a lunch with you, he likes you nga 'diba." Sabi naman ni Ally.
Kumunot ang noo ko, "What? Saang lupalop naman ng galaxy mo nakuha 'yan?"
"Duh. Hindi mo lang kasi alam 'yan kasi never ka pa namang nagka-boyfriend. Kahit nga siguro crush e." Sabi naman ni Kat.
Hala, ang sakit magsalita.
"Ang tabil ng dila mo, Kat." Inirapan ko siya na tawa lang ng tawa.
"Peace! Just saying the truth."
"E ikaw naman kasi, napaka-choosy mo sa boys. Sandamakmak na manliligaw mo, pinagtataboy mo. Ang dami pa namang hot at handsome sa kanila." Ani ni Sam.
"Ugh! Hindi naman kasi ako katulad sa'yo, Samantha."
Yup, medyo may lahing pagka-playgirl 'yang si Sam. She likes flirting pero hindi naman sineseryoso ang mga naka-date niya.
And yes, I'm one of those girls who are classified as 'NBSBs'. Ewan ko, relationships and stuffs aren't just my things and my priority. Ayoko pa muna. Baka matulad pa 'ko kay Kat na walang napala kundi heartbreak. Tss, saka gusto ko 'yung lalaking nacha-challenge ako. I wanna find my match.
"Pero balik na nga tayo sa main topic. Bakit ka naman nasisilaw sa awards na inoffer sa'yo ni Teacher Faye e the last time I check, wala kang pake sa mga bagay na 'yan." Sabi ni Ally.
"Ayun na nga. Napaisip kasi ako, kung makukuha ko 'yung award na 'yun at kung masasali ako sa honor list this school year, I can prove my parents na grown up na ako. So that they will send me in Paris with no hesitations once I prove na may nagagawa rin ako other than pranking my classmates." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
My Perfect Pair
Novela JuvenilApat na mag-pinsan. Apat na mag-kaibigan. Pagtatagpuin sila ng Tadhana sa 'di inaakalang pagkakataon. Tadhana na ba talaga? O nagkataon lang?