Chapter 15: Thank You

12 1 0
                                    

Yassie's Point of View

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mata ko. Sobrang sakit ng ulo ko.

Nang iginala ko ang mga mata ko, nasa kwarto na namin ako.

Ghad, ano bang nangyari at ang sakit ng ulo ko?

What happened last night?

"Oh, apo. Gising ka na pala, masama ba ang pakiramdam mo?" Napatingin ako sa pinto dahil nandun si Lola.

"Uhm, masakit lang po ang ulo ko."

May kinuha si Lola sa isang drawer. Meds pala 'yun.

"Eto, inumin mo."

After drinking, humiga ulit ako.

"Maghintay ka muna d'yan, apo. Kukuha ako ng pagkain sa baba."

Nasaan ang mga pinsan ko?

I checked my phone at namilog ang mga mata ko nang makita ko kung anong oras na.

Jusko po, 9:30 na!

Napatingin ulit ako sa pinto dahil pumasok si Lola.

"Ito oh, kumain ka na."

Nagsimula na akong kumain.

"Uhm, la? Ano pong nangyari kagabi? Bakit wala akong maalala?" Tanong ko.

"Nakauwi na ang mga pinsan mo kahapon dahil akala nila ay nakauwi ka na dito. Hindi ka naman sumasagot. Ilang minuto na ang dumaan pero hindi ka pa nakauwi. Sobrang nag-aalala na talaga kami pero biglang may sumagot sa telepono mo." Sabi ni Lola.

Inisip ko ng maayos ang sinabi ni Lola at buti naman, naalala ko.

Oo nga.

"Si Ace?"

"Oo. Siya ang naghatid sa'yo dito pauwi kaya dapat ay magpasalamat ka sa kaniya. Nakatulog ka kasi sa sasakyan dahil umiiyak ka daw. At sinabi na niya sa'kin kung bakit ka umiiyak." Sabi ni Lola.

Yumuko ako.

"Yasmine, apo. Alam kong natatakot ka parin hanggang ngayon. Nandito lang kami ng mga pinsan mo." Sabi ni Lola. Ngumiti ako at yinakap si Lola.

"Thanks, la."

**

Nang sumapit ang tanghali, tumulong tulong ako sa pagluto sa kusina since absent na rin naman ako. Tapos na akong magbihis dahil papasok ako mamayang hapon.

"Hi, la!" Napatingin ako sa pinto.

Nandito na pala sila.

"Yassie? Okay ka na?" Ani ni Ally at lumapit sila sa'kin.

"Hindi ba halata? Hahaha!"

"Hmm, mukhang okay ka na nga." –Ally.

"Kumain na kayo, mga apo."

Pumunta na kami sa mesa para makakain.

"Oy! Sarap ng caldereta ah." Sabi ni Sam.

I grinned at them, "Hulaan niyo kung sinong nagluto."

"Si Manang Belen, sino pa ba?" Sagot naman ni Kat.

Napa-poker face tuloy ako, "Grabe kayo! Ako kaya."

"WEH?" Sabay nilang tanong sa'kin.

"Leche kayo."

After eating, kanya-kanyang tambay na naman kami.

Nandito kami ngayon sa kwarto namin ni Sam tumambay.

"Hoy, loka. Bakit si Ace ang naghatid sa'yo kagabi?" Pange-echeos na naman ni Sam sa'kin.

My Perfect PairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon