Chapter 5: First Day

16 1 0
                                    

Yassie's Point of View

"Yasmine, gising na!" Sigaw ni Sam sa'kin. Tumaklob ako kumot saka natulog ulit.

"Antok pa 'ko, 5 mins..."

*Ting!*

Bigla akong nahulog sa kama ko dahil gulat na gulat talaga ako.

*Blag!*

Aray, ang sakit ng pwet ko... huhu!

T___T

Si Sam daw ba, may dalang kawali at kutsara at pinatunog ito sa tenga ko.

Bwisit.

Huhu, ang sakit sakit talaga ng pwet ko.

"Leche ka, Sam! A-ang sakit ng pwet ko, huhu..." Reklamo ko pa sabay himas sa pwet ko.

"Ayan kasi, kanina ka pa ginigising e ayaw mo naman kaya ayan." Bigla niya 'kong tinapunan ng towel.

"Oh ayan, maligo ka na." Dagdag niya.

I just rolled my eyes at pumasok na sa bathroom. May sariling Cr at liguan ang bawat kwarto.

Of course, kanta ako ng kanta habang naliligo.

"La, la, la~"

Kahit ano ano lang ang kinakanta ko.

Nang makalabas ako ng bathroom, nagbihis na agad ako. Maganda ang uniform nila ah. A short skirt, a blouse with a vest, a necktie, long socks and a sandal shoes.

Hmm, not bad.

Bumaba na ako at kumain na kami. Bumalik agad ako sa kwarto para makapag-ayos.

Sinuklay ko ang buhok ko. I have a brown mid-length hair. Not so curly, not so straight. Nag-pulbo na ako, naglagay lang ng cloud paint at lip tint and then brows.

"Hoy, Yasmine! Dalian mo na!" Sigaw ni Sam sa labas.

Matagal na 'yun? Ang dali lang ng ginawa ko sa mukha ko pero ang bagal ko na raw.

Okay, inaamin ko na medyo mabagal ako. Pero hindi naman talaga sobra. Siguro ang bilis lang talaga nilang gumalaw.

-____-

"Eto na, palabas na!"

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas.

"Girl, isang oras ka dun." Pange-echeos ni Sam.

"Whatever."

Sabay sabay na kaming bumaba.

"Carding, ihatid mo na ang mga apo ko! Mahuhuli na sila sa klase." Utos ni Lola. Dumating na si Mang Carding, ang driver. Papasok na sana kami sa sasakyan nang magbigay ng bilin si Lola sa amin.

"Yasmine, Katrina, Samantha at Allyson. 'Wag kayong maghahanap ng gulo sa skwelahan ah? Maging mabait muna kayo." Bilin ni Lola sa'min.

"Opo, la." Sagot namin kahit labag sa kalooban naming maging mabait.

"Susunduin kayo ni Carding mamayang tanghalian. Magiingat kayo, mga apo."

Pumasok na kami sa sasakyan at umalis na.

**

Nakarating na kami sa school. Medyo malaki-laki nga ang school pero mas malaki pa rin 'yung sa Manila.

"Saint Richard University."

'Yan ang pangalan sa paaralan dito. Hmm, of what I've heard ay walang college rito.

Pumasok na kami sa gate at bumaba na rin. Nang makababa na kami ay umalis na rin si Mang Carding.

"Not bad." Bulong ni Kat sa sarili.

My Perfect PairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon