Samantha's Point of View
On the way na kami sa sinasabi ni Tita Cha na bayan.
Medyo malayo layo siya, mga 20 minutes bago ka makarating. Dito ang maraming tao. Dito rin ata ang markets nila and stuffs.
Nasa may mukhang centro ata nila kami. Maraming tao ang naglalakad at maraming tindahan rin ang nandito.
"Hali na kayo, mga apo. Susukatan pa kayo." Sabi ni Lola sa amin.
Bumaba na kaming apat. Seriously, inaantok talaga ako pero sige na lang.
Naglalakad na kami ngayon at panay tingin ng mga tao sa amin. Ugh, ang init init.
Wala talaga ako sa mood. Dinatnan ako e. Psh! Nagpaalam muna si Tita Cha na maghahanap raw muna siya ng tailoring shop kaya kaming apat nalang kasama si Lola ang naglalakad ngayon.
"Estrella! Sino ang mga dilag na ito at ang gaganda!" Sabi ng isang matanda sa amin habang naglalakad kami. Ang kaibahan lang sa pangalan ni Lola at sa band name namin ay ang pronunciation. Sa kaniya kasi, parang estrelya habang ang band name namin ay estrela lang.
"Aba, ay mga apo ko ito."
"Buti at nakauwi sila rito. Ngunit, tapos na ang bakasyon. Bakit pa sila umuwi rito sa atin?"
"Nako, Grace. Dito na sila magaaral, aba e."
"Mabuti iyan. Nako mga iha, ang gaganda ninyo. H'wag kayong magpa-ligaw agad rito ha. Sigurado ako na maraming lalaki ang mahuhumaling sainyo dito sa bayan." Sabi niya sa amin. Napatawa naman kami.
"Hindi po, la." Sagot ni Ally.
"Ah, ako nga pala ang Lola Grace ninyo." Pakilala niya sa amin.
"Ako po si Allyson."
"Katrina po."
"Samantha naman po." Pakilala ko.
"Ako naman po si Yassie."
"Aba'y diyan ba sila sa San Juan National High school magaaral?" Tanong ni Lola Grace.
"Hindi, diyan sila sa Unibersidad na ipinatayo dito sa bayan."
"Mabuti, doon din magaaral ang mga apo ko. Osya, Estrella. Mauna na ako sainyo, naghihintay na ang apo ko sa sasakyan e." Pagpapa-alam ni Lola Grace.
"Sige, Grace. Magiingat ka."
"Kayo rin. Oh, mga iha. Tandaan niyo ang bilin ko ah." Sabi niya sa'min at kinindatan kami bago umalis.
Nang maka-alis na si Lola Grace ay naglakad na ulit kami.
"Alam niyo ba 'yung si Grace? Nanay 'yon ng mayor rito. Pero magkaibigan kami dahil magkasama kami sa simbahan. Nako, dapat niyong makilala ang mga apo niya." Sabi ni Lola sa amin.
Reto? Ganern?
"Ma! May nakita na akong tailoring shop. Hali na kayo." Sulpot bigla ni Tita Cha.
Pumunta na kami sa tailoring shop na sinabi ni Tita at nagpasukat na.
Marami kaming nakasalubong na nagtatanong tungkol sa amin kaya kami natagalan.
"Sasama pa ba kayo sa school? Ie-enroll ko kayo." Sabi ni Tita Cha sa amin ng nasa sasakyan na kami.
"Uwi na 'ko, Tita. Inaantok ako e." Sagot ko.
"Ako rin, Tita. Napagod ako." –Kat.
"Hmm, aayusin ko pa ang mga damit ko." –Yassie. Ugh, ang arte talaga nito kapag damit na ang pinaguusapan.
"Uuwi na sila e kaya uuwi na din ako." –Ally.
"Ganun? Oh sige. Ikaw, ma? Sasama ka sa'kin?" Ani ni Tita Cha.
"Ay, hindi na. Ituturo ko pa sa kanila ang mga kwarto nila." Sagot ni Lola.
"Okay, sasakay nalang ako ng tricycle papunta. Ally, magtetext ako sa'yo kapag tapos na 'ko tapos sabihin mo kay Manong para makuha niya ako."
Bumaba na si Tita Cha at nagmaneho na rin si Manong Driver.
**
Allyson's Point of View
All the way, I was just observing. May nakita akong sign na 'Welcome to Sitio Masiyahin' kaya napatanong agad ako kay Lola.
"La? Sitio Masiyahin pala ito?" Tanong ko.
"Napansin mo pala iyon? Oo, iha. Ito ay ang Sitio Masiyahin."
"Eh ano naman po 'yung San Juan? 'Diba sabi ni Lola Grace kanina na may National High school 'yan?"
"Ang bayang ito ay ang San Juan ngunit nasa Sitio lamang tayo."
(San Juan and Sitio Masiyahin are fictioned only)
Napa-oh naman ako.
Nang makauwi na kami ay agad na naming binaba sa sasakyan ang mga maleta namin.
"Guys? Help!" Sigaw ni Yassie sa'min. 'Yan kasi, ang daming dalang damit.
Apat na maleta daw ba?
"Akina 'yang isa." Sabi ko at kinuha ang isang maleta niya.
Kinuha naman ni Manong Driver ang dalawang maleta ni Yassie.
Wow, so ako ngayon ang dalawang dala?
-___-
"Carding! Dito iyan sa itaas!" Sigaw ni Lola mula sa taas.
Nang makapunta na kami sa taas, namangha ulit ako.
Sobrang antique talaga ng bahay na 'to. It's so historical. Parang mga bahay lang noong may ligawan pa na nagaganap.
May parang veranda naman sa may malapit ng stairs.
"May dalawang kwarto para sainyo. Sino ang magsasama sa isang kwarto?" Tanong ni Lola sa'min.
"Kami nalang ni Sam." Sagot ni Yassie.
Mas nagkakasundo kasi ang dalawang 'yan. Barang bara kasi kami sa Sam na 'yan e. Si Yassie lang ang medyo nakakasundo niyan.
"Yap, kami naman ni Ally." –Kat.
"Oh, sige."
No problem naman, magkatabi lang naman ang mga kwarto namin. Nang buksan ni Lola ang kwarto namin, sobrang laki nito.
May dalawang beds na parang king-sized bed tapos may terrace naman sa may labas. It's like a royal room. Ibang iba sa labas na antique ang design. Parang kwarto 'to ng isang prinsesa e.
"Sige. Ipasok niyo na ang mga gamit ninyo."
Dito kami ni Kat sa unang kwarto habang sina Sam at Yassie naman ang sa pangalawa.
Nagsipasok na kami sa mga kwarto namin at inayos na ang mga gamit namin.
**
BINABASA MO ANG
My Perfect Pair
Genç KurguApat na mag-pinsan. Apat na mag-kaibigan. Pagtatagpuin sila ng Tadhana sa 'di inaakalang pagkakataon. Tadhana na ba talaga? O nagkataon lang?