Yassie's Point of View
Naka-tatlong araw na kami sa bagong school namin. Ayos lang naman, so far.
Ay, teka. Except pala sa supladong Mayor na 'yun at nang mga kasapi niya. Wala na silang ibang ginawa kundi bwisetin kami.
Well, as for Ally ay iritang irita siya dun sa Vince na 'yun. Matalino rin naman pala 'yun e.
They're more of competing to each other. E si Ally, ayaw niyan na may kakumpetensiya e. Lalo na't 4th Year na kami, she's really aiming for the Valedictory spot at mukhang macha-challenge siya ngayon.
Nalaman rin naming schoolmate pala namin si Ash. 'Yung fan nga namin na kapatid ni Ate Abi sa Bamboo House. At magkaibigan lang pala 'yung apat.
Today is Wednesday. Kakatapos lang ng classes namin at pauwi na sana kami ng biglang magtext si Ate Abigail sa'kin.
Hi, Yassie. Abi here, I just wanna ask you if pinayagan ba kayo. Kung pwede sana, magkita kita tayo ngayon dito sa resto bar kasama ang isang band para ma-ayos na ang time slots ninyo :)
Hindi pa pala ako nakapag-hingi ng permiso kay Mom.
"Hey, teka. Nagtext si Ate Abi." Pigil ko sa kanila.
"Oh? Ansabe?" –Kat.
"Kung pwede ba raw tayong magkita-kita ngayon kasama ang isa pang band para maayos na ang time slots. Kung pinayagan na raw tayo. Nakahingi na kayo ng permiso?"
"Oo." Sabay nilang sagot.
Huwaaat?
"Eh? Pinayagan kayo?"
"Yup." Sabay na namang sagot nila.
Ako nalang pala. Tss.
Dinial ko ang number ni Mom para humingi ng permiso.
"Yass? Bakit?"
Ayun na nga, inexplain ko na sa kaniya ang lahat at napapayag ko naman siya.
Nang makababa ako ng tawag, tinignan nila ako na nagtataka kung pinayagan ba ako o hindi.
I acted like as if I am sad.
"Guys..."
I know that they already feel and know it.
"It's okay. Worth the try." Sabi ni Sam at aalis na
sana sila nang magsalita ulit ako.
"Tara na..." Malungkot talaga sila, wahaha! "Sa resto bar. HAHAHA!"
Napatingin sila sa'kin na namimilog ang mga mata.
"Pinayagan ka? Yehey!!"
Ang parents ko nga kasi ang pinaka-strict. Hays, ewan ko ba. Sila ang pinakastrikto pero ang anak nila ang pinaka-badass. Ironic, 'diba?
Nakita na namin agad ang kotse ni Lola kaya sumakay na kami.
"Mang Carding, alam niyo po ang Bamboo House?" Tanong ni Ally.
"Oo naman po. Dinadayo 'yan dito e."
"Good. Dadaan po tayo dun. Don't worry, nakapagpaalam na kami ni Lola."
Tumango lang si Mang Carding at dumiretso na kami sa Bamboo House.
Sinalubong kami ni Ashley nang makarating kami sa loob.
"Waah! Nandito kayo." Masayang sabi niya.
"Oo, sorry, Ashley ah. Medyo na-late kami." Sabi ko.
"It's okay. Hali na kayo sa office ni Ate, nandun na sina Kuya. And Ash nalang, hehe." Sabi niya at pinaghihila na kami.
BINABASA MO ANG
My Perfect Pair
Novela JuvenilApat na mag-pinsan. Apat na mag-kaibigan. Pagtatagpuin sila ng Tadhana sa 'di inaakalang pagkakataon. Tadhana na ba talaga? O nagkataon lang?