Yassie's Point of View
Natapos na ang gig namin at nandito kami ngayon sa table namin. May free dinner kasi kami.
While eating, lumapit si Ash at Ate Abi.
"What a show, girls! Sobrang congrats sainyo! Hindi talaga ako nagkamaling i-hire kayo rito." Sabi ni Ate Abi at yinakap kami isa't isa.
"Thank you."
"Waah! Ang galing niyo kanina!" Sabi naman ni Ash.
"Thanks!"
"Oo nga, pati nga si bro Ace e. Natahimik dahil sa boses ni Yassie." Sabi ni Ate Abi.
Napatingin ako sa kaniya.
"Huh?"
Tinakpan ni Ate Abi ang bibig niya, " Ay hala. Nadulas ang bibig ko. Ehehe! Bye bye!" At umalis na siya.
Napailing iling nalang ako sa sinabi ni Ate Abi.
"Hoy! Anong ngiti 'yan, bruha? Kinikilig ka sa sinabi ni Ate Abi 'noh?" Pange-echos ni Sam sa'kin.
"Luh? Anong kinikilig? 'Di ah."
"Sus! Para ka ring si Kuya Ace e! Defensive, haha!" Singit naman ni Ash at nag-apir pa talaga sila ni Sam.
"Ge lang, asarin niyo lang ako."
Kumain nalang ako. Ang sarap ng foods nila dito.
**
Allyson's Point of View
Nag-set up na ang boys sa mini stage para sa gig nila. Uubusin lang namin ang foods namin dahil hindi kami pwedeng umuwi ng very late.
"Good evening guys! Kami nga pala ang The Band." Pakilala ni Vince.
Ooh, so siya ang vocalist nila?
Chase is the pianist, Drei is the drummer and Ace is the guitarist.
Marami rami pa rin naman ang nandito, mukhang inaabangan rin sila.
Si Yassie, panay kain lang dito sa table. Ang takaw ng babaeng 'to.
Si Sam naman ay nakatingin lang sa phone niya habang kami ni Kat ay nakatingin sa mini stage.
Nagsimula na ang tugtug nila.
Np: With a Smile by Eraserheads
"Lift your head..
Baby, don't be scared.
Of the things that could go wrong along the way."
W-wow.
Vince's voice is so good. Malamig na swabe ang boses niya, hindi magaspang.
"You'll get by,
With a smile.
You can't win at everything but you can try."
Gwapo rin pala 'tong lalaking 'to ano?
"Baby you don't have to worry,
'Cause there ain't no need to hurry.
No one ever said there's an easy way.
Oh, I'll stay...
Through the bad times.
Even if I have to fetch you everyday.
You'll get by,
With a smile.
You can never be too happy in this life."
"In a world where everybody hates a happy ending story, it's no wonder love can make the world go round."
BINABASA MO ANG
My Perfect Pair
Dla nastolatkówApat na mag-pinsan. Apat na mag-kaibigan. Pagtatagpuin sila ng Tadhana sa 'di inaakalang pagkakataon. Tadhana na ba talaga? O nagkataon lang?