Katrina's Point of View
"Inaantok ako!" Reklamo ko habang nasa byahe kami.
"Kelan ka pa 'di inantok?" Sagot ni Sam sa'kin. Sinamaan ko siya tingin.
Tss, kaazar!
Pagdating sa resto-bar, sinalubong agad kami ni Ate Abi.
"Hi, ate." Bati ni Ally.
She smiled, "Hello. Kumusta na ang paa ni Yassie?"
"Uhm, mukhang okay na rin naman 'yun. Nagpapahinga lang sa bahay."
"Buti naman at nakinig siya kay Ace."
Ace? Dahil kay Ace kaya 'di siya pumunta dito? Naks! Nabe-break na ba ang ice o nafa-fall na si Yassie?
Nagkatinginan kaming tatlo at alam na alam ko na kung ano ang nasa isip ng mga bruhang 'to.
Iniwan na kami ni Ate Abi dahil may gagawin pa siya. In 5 mins, magsisimula na ang tugtog namin.
"Sinong kakanta?" Tanong ko.
Tinignan nila ako, "Sino pa ba?"
Ha?
"A-ako?"
"Oo. Since tapos na rin naman kami ni Ally kahapon, it's your turn." Sagot ni Sam sa'kin.
Napa-face palm tuloy ako.
"Pano ba 'yan? E inaantok ako. Sige kayo, my voice might get shaky." Pananakot ko sa kanila.
Sam faked a smile on me, "Wow. Ang galing ng excuse mo."
I pouted at padabog na umupo.
"Andami ng utang ni Yasmine sa'tin ah." Komento ko pa.
Hindi naman ako natatakot o nahihiya. Wala lang talaga ako sa mood ko ngayon, geez.
Kakaiba ang feeling ko.
Maya maya pa, pumunta na rin kami sa mini stage para makapag-simula na ng tugtog.
"Hey, guys. Sorry, wala pa rin si Yassie ngayon. Nagka-emergency lang talaga sa weekend na 'to pero don't worry, babawi 'yon next weekend." Panimula ko.
Some said, "Aww!"
I understand them din naman pero marami pa rin naman ang excited.
I will play my guitar while I sing since wala ang lead vocalist namin.
I'm not really into rock and pop songs. Mas prefer ko ang mga jamming songs and acoustic songs.
Tinignan ko ang mga pinsan ko and nodded. Meaning, ready na ako.
We started playing our instruments at 'di na nagtagal, nagsimula na rin akong kumanta.
"There are times
When I just want to look at your face
With the stars in the night."
"There are times
When I just want to feel your embrace
In the cold of the night."
I closed my eyes and started feeling the song. Kasi the more emotions you put into your song, the more na mas maganda itong pakinggan.
"I just can't believe that you are mine now."
"You were just a dream that I once knew.
I never thought I would be right for you.
I just can't compare you with
Anything in this world.
BINABASA MO ANG
My Perfect Pair
Teen FictionApat na mag-pinsan. Apat na mag-kaibigan. Pagtatagpuin sila ng Tadhana sa 'di inaakalang pagkakataon. Tadhana na ba talaga? O nagkataon lang?