Chapter 23: Wednesday

11 1 0
                                        

Katrina's Point of View

Nagising ako nang mag-beep ang phone ko.

One message from unknown number.

Nag-taka ako. Sinong magtetext sa'kin ng alas sais ng umaga?

I opened it.

From: 09*********

Hi, baby girl. Rise and shine! :)

At alam na alam ko na agad kung sino 'to.

Isang tao lang ang tumatawag sa'kin ng baby girl. How did he even got my number?

To: Drei

How did you get my number?

From: Drei

I have my ways, baby girl ;)

Pagkabasa na pagkabasa ko sa 'I have my ways', isang tao lang ang pumasok sa isipan ko.

Si Sam.

Agad kong sinugod si Samantha sa kwarto nila ni Yassie.

As usual, tulog pa rin si Yassie pero si Sam, nakaharap na sa phone niya.

"Oh, Kat? Ang aga mo naman atang bumisita sa kwarto namin?" Bungad niya sa'kin.

"Bakit mo binigay ang number ko kay Drei?" Diretsang tanong ko.

Napa-upo siya sa kama niya, "Nino?"

"Kay Drei."

"Ah, Drei Evans?"

Umirap ako, "Sino pa ba?"

"Hehe, paano mo nalamang ako ang nag-bigay?"

Oh, kita niyo! Tama nga ang hinala ko. 'Tong bruhang pinsan ko nga ang nag-laglag sa'kin.

"Ikaw lang naman ang lumalaglag sa'min, tss." Inis kong tugon.

Nag-peace sign siya, "Peace?"

Sinamaan ko siya ng tingin, "Bakit mo binigay?"

She pouted, "Eh kasi naman! Ang kulit kulit ni Drei. Noong unang linggo pa niya 'ko kinukulit sa number mo. Eh sa una, ayoko nga kasi alam kong magagalit ka pero napaisip ako, kailangang kailangan mo naman ng lovelife kaya binigay ko nalang." Pagpapaliwanag niya.

Kumunot ang noo ko, "At sinong nagsabi sa'yo na kailangan ko nang lovelife?"

She flipped her hair, "Girl, itanggi mo man, halata namang dry na dry na ang kilig factor mo diyan."

I sighed, "I don't need a lovelife, Sam. I don't want to have a suicide again."

"Grabe naman 'to. Porket lovelife, suicide agad? Ang harsh mo, girl ha." Tugon niya.

"Tss, sa point of view ko 'yan. 'Wag mo 'kong i-judge porket masarap lovelife mo." Sagot ko sa kaniya.

Lumabas nalang ako ng kwarto dahil wala rin namang mangyayari kung magagalit pa 'ko kay Sam. Nabigay na din naman niya, tsk. Pahamak talaga 'tong si Sam kahit kalian.

"Morning," bati ni Ally sa'kin ng makapasok ako ng kwarto.

Kakaligo lang niya.

"Morning."

Kinuha ko ang phone ko sa higaan ko at tinignan ito saglit.

Four text messages from Drei

Binuksan ko agad 'yon.

From: Drei

Kumain ka na?

From: Drei

My Perfect PairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon