Chapter 4: Unang Pagtatagpo

19 1 0
                                    

Yassie's Point of View

Kalagitnaan na ng week ngayon at nababagot na talaga kami dito sa bahay.

Nandito kaming apat sa kwarto nina Ally, nagi-internet lang.

"ANG BORING!!" Sigaw ko.

Hindi talaga ako nabubuhay ng walang gala, tss.

Kung nasa Manila pa sana kami ngayon, kanina pa kami nag-mall.

Ugh! Okay, Yassie. Isipin mo nalang ang buhay mo after this. Makakapag-Paris ka na!

"Saan ka naman gagala dito, Yasmine?" -Kat.

I rolled my eyes. Bakit ba kasi walang mall dito?

"Sa bayan?" Singit ni Ally.

Napatingin kami sa isa't isa.

"SA BAYAN NGA!" Sabay sabay naming sigaw.

Nagbihis na kami para payagan agad kami ni Lola.

Bumaba na kami at nakita namin si Lola na nandidilig ng mga bulaklak. Napansin naman niya ang presensya namin.

"Saan ang lakad ninyo?" Tanong ni Lola sa.

"Sa bayan po sana." -Ally.

"Nako, e wala si Carding diyan. Inutusan kong pumunta sa farm." 

Napafrown kami pero may naisip ako.

"Nandiyan naman po ang sasakyan 'diba?"

"Oo naman."

"No worries, ako na ang magda-drive."

Wala naman sigurong MMDA dito 'diba?

Wala pa kasi akong driver's license kasi 16 years old pa ako pero tinuruan na ako ni Dad na mag-drive. 'Yun nga lang, sa loob lang ng subdivision namin.

"Sigurado ka, apo? Baka kung anong mangyayari sainyo."

"Opo, la. Don't worry."

"Aba ay sige. Pero 'wag kayong magtatagal ha. Umuwi kayo bago magdilim."

Nasiyahan naman kami sa sinabi ni Lola. Kinuha ko lang ang susi sa loob at umalis na kami.

**

Pagdating sa bayan, naglibot libot lang kami. Inexplore namin ang San Juan.

Maganda rin naman pala dito. Maraming tindahan at dito rin pala ang palengke nila.

"May dream catcher na earings oh!" Sabi ko sa mga pinsan ko.

We are all obsessed with dream catchers.

"Ate, magkano?" -Ally.

"Singkwenta po."

Kumuha na kami. Maganda ang taste ko sa mga ganito kaya maganda 'yung napili ko. Binili na namin 'yun at naglibot libot ulit.

"Ate, gusto niyo pong ipa-braid ang mga buhok ninyo?" Sulpot ng isang batang babae sa amin.

Nagkatinginan kami. Ako? Gustong gusto ko, kyaah!

"Sige na guys, please." Pakiusap ko sa kanila.

Kat sighed, "Fine."

Yees!!

Ayun na nga, nagpa-braid na kami ng mga buhok namin. Ang saya lang kasi linagyan pa ng fake colored hair. Nakaka-amaze.

Pagkatapos nun ay nagbayad na kami at umalis na.

My Perfect PairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon