CHAPTER 1

3.3K 64 0
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤

CHRISTILITA❤

Ito po ang unang story ko wag na wag niyo pong kalimutang e vote and follow my fis.
😉🙂

__________________________________

'ARAW-araw ikaw ang gusto kong kasama
Buhay ko'y kumpleto na tuwing nandidito ka
Sa tabi ko, oh aking giliw, 'di pa din ako makapaniwala
Na ang dati kong pangarap ay katotohanan na
Ikaw ang tanging inspirasyon
At basta't nandito ka, ako'y liligaya'

Malakas pa sa tibok ng puso ni Sabrina ang malakas na tunog ng musika sa concert na pinuntahan niya kasabay ang mga tili ng mga babae na panay sigaw sa lalaking sumasayaw habang kumakanta.

" Baby Ren! Akin ka nalang!"

" Ren!!! Ang gwapo mo!! "

" Napakapogi mo papa Ren!"

" Shufuuuu papa Ren!!ang hot! mo!"

Rinig niya sa bawat sigaw at tili na umaapaw sa lugar at ramdam niya ang saya na bumabalot sa kanyang puso at ngayon lang niya ito naramdaman, ito na ang pagkakataon na hinihintay niya.

'Dahil sa'yo, ako'y matapang
Dahil sa'yo, ako'y lalaban
Para sa'yo, pagmamahal na walang katapusan
Dahil sa'yo, mayro'ng pangarap
Pagmamahal ko sa iyo'y tapat
Para sa'yo, pagmamahal na higit pa sa sapat
Gagawin ko ang lahat para lang sa'yo, sinta
At basta't nandito ka, ako'y liligaya'

Well, pumunta siya dito dahil matagal niya ng iniidolo ang nasa harapan niya ngayon. Halos 10 years niya na itong iniidolo at ngayon lang siya nabigyan ng pagkakataon na makita ito ng malapitan at personalan halos maiyak na siya sa saya na dulot nito.

Kung idol mo ba naman ang kaharap mo sinong hindi matutuwa? Sinong di matutuwa na makapunta sa concert ng idol mo? Na noon ay sa internet, tv at youtube pa kung kinakailangan e search para makita mo lang.

Nakangiti lang siya habang sumasabay sa kanta at ang kamay niya naman na may hawak na tarpulin ay winawagayway sa ere at mas lalong napatili siya ng napalakas ang sigaw niya dahil sa kindat na binigay sa kanila.

'Minu-minuto, naghihintay ng tawag mo
Marinig lang boses mo, masaya't kuntento na ako
Wala nang iba pang hahanapin, basta't ikaw ang aking kapiling
Lahat magagawa dahil kasama ka
Ikaw ang tanging inspirasyon
At basta't nandito ka, ako'y liligaya'

Ngayon lang siya pinagbigyan ng ina niya na pumunta kasama ang kanyang dalawang kaibigan na gumala sa gabi at manoud ng concert.

Nasa V.I.P. siya na parte at pinag-ipunan niya ang V.I.P. ticket na naghahalaga ng 30,000.

Panay sigaw at tili nila kasama ang kanyang mga kaibigan.
Para sa kanya dapat sulitin niya ang gabing ito lalo na at nasa harapan niya talaga ang idol niya na pinapawisan sa kakasayaw at kakanta nito.

Dahil sa'yo, ako'y matapang
Dahil sa'yo, ako'y lalaban
Para sa'yo, pagmamahal na walang katapusan
Dahil sa'yo, mayro'ng pangarap
Pagmamahal ko sa iyo'y tapat
Para sa'yo, pagmamahal na higit pa sa sapat
Gagawin ko ang lahat para lang sa'yo, sinta
At basta't nandito ka, ako'y liligaya'

Ramdam niya ang bawat musika na bumabalot sa arena at ang mga tao sa paligid ay sumasabay sa pagkanta at winawagayway ang kanilang kamay sa ere na para bang nasasayahan sa kanta at damang-dama nila ito. Malapit ng matapos ang kanta at marahil ito na din ang huling awit na kakantahin dahil patapos na ang concert.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon