DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤
CHRISTILITA❤
__________________________________
BUKAS ay napag-isipan ng lahat na mag-swimming at inihanda na lahat ng susuotin niya hindi muna siya pumunta sa room nila Cheska at Jade nandoon kasi si Nica, ayaw niyang makita ito baka masumbatan siya lalo na at..si Rence pa ang ex nito.
Huminga siya ng malalim habang nakahiga sa kama niya at di niya na namalayan na nakatulog na pala siya.
The next morning ay nag-umpisa na ang ilan na maligo nakababad narin sina Cheska at Nica maliban nalang kay Jade na nag-aaway kay Mark
"Sabby halika!"rinig niyang sigaw mula kay Cheska kinakabahan siya lalo na at kasama pa nito si Nica na nakababad lang.
Pero bakit nga ba siya matatakot? Kung wala siyang masamang ginawa?
Nilipatan niya ang mga ito na nakangiti, natigilan siyang nang ngumiti sa kanya si Nica na napakatamis-tamis ibig sabihin hindi nga to galit sa kanya.
"Kumusta?"tanong nito sa kanya
"O-okay lang naman.."sagot niya.
"Nica siya yung sinabi ko sayo na kapatid ni Nathan bhe ko!"masayang usal ni Cheska napangiti naman si Sabrina rito lalo na sa 'bhe' na sinabi nito sa harapan ng fiance pa ng kuya niya.
"Actually nagkakilala na kami.."wika ni Nica sa kanila.
"Talaga?!..kailan pa?"
"Ahmm..matagal tagal narin..3months ago ata?"nakangiting wika nito napatingin naman ito sa kanya "o? Bakit naka t-shirt kalang? Hubarin mo na sayang ang sexybody mo."
0-0
"Sabby nasa beach tayo ano kaba? Shorts at t-shirt pa ang ginamit pang ligo."reklamo ni Cheska.
Napairap nalang siya sa kaartehan nito.
"Dito lang naman ako..hindi ako lalangoy."umahon siya at umupo sa malaking bato."di ako marunong lumangoy."pagsisinungaling niya.
"Wala ka bang dalang swimsuit jan?"tanong ni Cheska.
Meron naman talaga siyang dala pero nahihiya siyang ipakita sa iba baka pagtawanan lang siya.
"Meron ako pahihiramin kita."nakangiting usal ni Nica sa kanya "tara sa CR aayusan kita."
"W-wag na..di naman ako maliligo."pagpipigil niya pero umahon na sa dagat si Nica at hinatak siya paalis sa dagat.
"Alam mo..dapat ipakita mo ang ganda mo..enjoy each day para masaya."sabi pa nito.
enjoy each day
enjoy each day
enjoy each day
Napangiti naman siya nang may naalala na naman, mga ilang hakbang lang ay nasa CR na sila at ibinigay na ni Nica ang swimsuit na kulay pula. Akala niya ay simple lang iyon pero hindi!namuka siya nang makita niya ito at sinukat halos makita na niya ang kaluluwa niya.
0_0
Kailangan niyang mag-shorts.
Mabuti nalang at bumagay sa kanya ito huminga siya nang malalim saka lumabas ng CR, tinatakpan niya naman ng buhok ang likuran niya medyo mahaba narin ang buhok niya at kaya nang takpan ang kalahati ng likuran niya.
Paglabas niya ay nakita niya si Nica na nakatitig lang sa kanya na para bang namamangha namula siya sa hiya ngayon niya palang ito nagaw, siguro pag nandito ang Daddy niya ay papagalitan siya ng husto.
"Wow!.."napatakip ito sa bibig "ang sexy mo Sabrina..lumitaw talaga ang ganda mo..."nakangiting wika nito sa kanya.
"T-tara na?"nahihiyang sambit niya pero bago pa sila pumunta sa beach ay huminto muna sila sa cottage nandoon na rin si Cheska naghihintay kagaya ni Nica ay napapanga-nga rin ito sa kanya >▪︎<
BINABASA MO ANG
Still Into You (COMPLETED)
Teen FictionNaisipan ni Sabrina ang maglayas sa tulong ng kanyang kapatid sa rason na ayaw niyang maikasal sa taong hindi niya gusto . Pero paano kung mapupunta siya kay Ren bilang P.A.? Na isang sikat na artista na Renzo De Vera na matagal niya ng gusto? Ang s...
