CHAPTER 26

591 27 0
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤

CHRISTILITA❤

_________________________________

MATAPOS sa mga nangyayari sa kanila ni Ren ay natigilan siya at napatunga-nga lang sa kawalan habang si Ren naman ay nakatitig lang sa kanya pagkatapos halikan  siya, nakahawak parin ito sa mga pisnge niya at malapit parin ang kanilang mga mukha pinipigilan niya lang na wag mamula dahil sa kaba at hiya na dulot nito.

"S-sabrina?"nauutal na sabi ni Ren sa kanya at saka palang siya nagising sa reyalidad.

"B-bitawan mo na ako."saka nagpupumiglas na kumawala.

"Wala ka bang sasabihin sa akin?"parang aso na nakangisi sa kanya.

Dahan-dahan siyang umiling at nawala naman ang ngiti ng binata sa kanya.

"W-wala akong masabi.."pag-amin niya kay Ren.

"C'mon Sabrina..umamin ako sayo...what can you say?"nakangiting usal ni Ren na para bang nawalan ng tinik pero di mawala dito ang pamumula sa pisnge nang mapansin nito na wala siyang kibo ay nabigla itong nag-iba ng ekspresyon ng mukha nag-aalala iti sa kanya "H-hey?..tell me?...anong masasabi mo?"

Para siyang ginulat sa mga sinabi nito ngayon sa harapan niya di pa siya handa at mas lalong di niya inaasahan na aamin sa kanya si Ren.

"A-aalis muna ako..may kailangan lang akong ayusin."bigla niyang iwinaksi ang mga kamay nito at patakbong umalis sa kwarto nito mabuti nalang at di pa siya sinundan ni Ren pero masyado bang makapal ang mukha niya kung iisipin niyang susundan siya?.

Nang makarating na siya sa condo nila ni Ren ay nagsimula na siyang mag-impake ng mga gamit niya sa condo para umalis.

Ayaw niyang maabutan ni Ren pa sa condo na ito pero may sulat naman siyang iniwan at idinikit sa flatscreen walang taong di makakita dahil doon mismo sa tv niya idinikit.

Bumaba na siya sa hotel dala ang mga bagahe niya at tinulongan na rin ng mga stuff doon, naghintay nalang siya ng taxi na masasakyan niya pauwi.

Nang makasakay na siya ay napaisip siya bigla kay Ren napahawak siya sa labi niya si Ren lang naman ang humalik sa kanya at pangalawang beses pa!. Si Ren ang first kiss niya hindi niya akalain na ito pa!.

Iiwasan niya ba si Ren pagkatapos sa mga sinabi nito na halos ikamatay ng puso niya dahil sa lakas ng tibok nito.

Kailangan ba na maging matuwa ngayon dahil sa sinabi ni Ren kanina?masyadong mabikus lahat ang naganap sa kanya ngayon between Ren.

Di niya rin masabi kung nagsasalita ng totoo ito sa kanya hindi pa niya lubos na maisip lahat kung kikiligin ba siya? matutuwa ba? Magagalak? O masasaktan?

Ren.

Pero di muna niya iisipin si Ren ang dapat itatak sa utak niya ngayon ay ang misyon niya.

Nang makababa na siya sa taxi na sinasakyan ay binayaran niya na ito bago nakaalis, bumuga siya ng malakas na hininga nang makaharap na niya ngayon ang malaking gate ng bahay nila at dahan-dahang naglakad papunta sa guard na nakabantay.

"M-manong Henry?"pukaw niya sa guard na busy sa pagcecellphone napasulyap naman ito sa kanya at bumalik sa pagseselpon nang bigla itong mapatingin sa kanya ulit.

"Maam Sabrina!!"sigaw nito sa kanya ginawaran niya lang ito ng ngiti.

NAILAGAY NA lahat ni Sabrina ang mga gamit niya ang susunod nalang na gagawin niya ay hintayin ang boung pamilya niya ngayon.

Dalawang oras narin siyang naghihintay sa kwarto niya at alam niya na ipinaalam na ni Manang Fe sa ama niya, di parin mawala sa isip niya ang mga sinabi sa kanya ni Ren at kung iisipin niya pa ang binata ay mas kakabog ang dibdib niya sa kaba at...saya.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon