CHAPTER 2

1.2K 35 1
                                    


PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤

CHRISTILITA❤





__________________________________

NANG nakauwi na si Sabrina sa bahay nila ay nakaramdam siya ng kaba nang makita nito ang ama niya nakaupo sa malaking sofa hawak ang isang magazine. Kapag nasa loob siya ng bahay dapat kumikilos siya ng tama at dapat propesyunal kung magsalita.

"D-daddy.."kinakabahang usal niya baka alam nito na pumunta siya ng mall o baka sa concert kagabi?, sa pagkakaalam niya ay sa susunod na araw pa ito makakauwi.

"Saan ka galing?"humarap ito sa kanya, kinakabahan naman siya hindi niya alam kung ano at paano ito sasagutin masyadong pinasok ng kaba ang lalamunan niya.

"Kay Mommy."taas noo niyang sagot niya ayaw niyang maghinala ito sa kanya, napataas naman ang kilay nito at kinuha ang telepono tiyak kinumpirma pa nito sa ina niya kung nagsasabi siya nang totoo. Napayuko siya at nanginginig ang kamay niya. "Sabrina..sabay tayong magdidinner may pag-uusapan tayo."

"Opo."naglakad siya papunta sa kwarto niya agad siyang pumasok at ni-lock ang pinto nakahinga siya ng maluwag, mabuti nalang at nasa kotse pa ang mga pinamili niya. Humiga muna siya sa kama at nag-iisip nang kung anu-ano di niya namalayan na napaidlip siya, napagising siya sa katok minulat niya ang mga mata niya at binuksan ang pinto.

"Sabrina hinihintay kana sa kusina ng ama niyo."napatingin naman siya sa orasan, may pag-uusapan pala silang lahat ngayon.

"Tara napo" Sabay na silang bumaba ni Manang Fe at papunta sa kusina, umupo naman siya at nakatuon ng tingin sa kanya ang lahat.

"B-bakit po? Anong meron?"nakangiti niyang tanong nawiwierduhan lang siya kung bakit nakatingin sa kanya lahat.

"Si Nathan...ay napag-usapan na namin lahat 2 months ago ang kasalan na magaganap sa fiance niya."panimula ng ama niya nagsimula naman silang kumain napatingin naman siya kay sa kapatid niya seryuso lang sa pagkain."And Sabrina...ipapakilala kita sa anak ng kaibigan ko."nabuga niya ang pagkain niya dalidali siyang uminom ng tubig at umayos sa pagkakaupo."Dont worry Sabrina...sa simula magkaka-ilangan lang kayo pero pagnakilala niyo na ang sarili ay tiyak magugustuhan niyo ang isa't isa."

Kinabahan naman siya bigla may nagsasabi sa isipan niya na magiging kapareha sila ni Nathan pero ayaw niya sa ganon.
"Dad what do you mean?"boung lakas na tanong niya.

"Ipapakasal kita pagkatapos ikasal si Nathan."para siyang nabuhusan ng tubig ayaw niya sa gusto ng ama ayaw niyang magaya sa kuya niya at mas lalong di niya gagawin yon. Nawalan siya ng ganang kumain pero pinipilit niyang lunukin ang kinakain niya.

Hindi siya makasagot at wala siyang maiisasagot sa sinabi ng ama niya, matapos ang dinner ay hindi na siya lumabas ng kwarto mas pipiliin niya magkulong kesa maalala ang sinabi ng ama niya.

Napabakon naman siya nang may kumatok sa pinto niya binuksan niya ito at di niya inaasahan ang kuya niya.

"Kuya bakit ka nandito? Hating gabi na gising kapa?"

"Bakit? Gising karin naman ha?"napa-iwas siya ng tingin "Makinig ka Sabrina alam kung dimo gusto ang sinabi kanina ni Daddy."

"Mas gugustuhin ko pang magkulong kesa magpakasal sa unknown guy na yan."pinapasok niya naman ang kuya niya sa sala ng kwarto niya.
"Kuya..ayokong magpakasal..ang bata ko pa matapos kung gumraduate ng high school ipapakasal lang pala ako?"

"Naiintindihan kita...kahit ako wala akong magawa."

"Bakit kinokontrol naman ata lahat ni Daddy"nagsimula namang tumulo ang luha niya. "K-kasi..bakit ako? Sa lahat ng tao bakit ako? Kuya napapagod na ako kahit lumabas ng bahay bawal.... lahat nalang bawal..."

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon