CHAPTER 38

567 18 0
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤

CHRISTILITA❤

__________________________________

NANG MALAMAN na lahat ni Sabrina ay hindi niya na ginugulo si Ren hindi na rin sila nagtetext, dahil busy ba ito sa trabaho? O busy lang kay Lexza?.

Isang araw na rin siyang nasa kwarto mas lumalala na ang sakit niya di inaakala na mapapaaga pala ito, boung araw siyang nagpapahinga ito ang dapat niyang gawin ngayon hindi siya dapat nag-aaksaya ng lakas paniguradong isang tayo mo lang ay matutumba kana.

Ngayon ay binisita siya ni Cheska kumuha lang ito ng snacks sa kusina pero natagalan ata?. Nakalimutan niyang nandito pala ang kuya niya para bantayan siya lalo na at doctor rin ang isang yon.

Mga ilang sandali ay bumukas na ang pinto at bumungad sa harapan niya si Cheska, Jade at Caryl.

"Nandito kayo?"nakangiting usal niya sa dalawa maliban kay Cheska na kanina pa niya nalaman.

Lumapit naman ito sa kanya.

"Maayos ka naba?"nag-aalalang tanong ni Caryl

"Alam ba ito ni Re--"pinigilan niya si Jade.

"Huwag..ayokong malaman niya..huwag niyong na siyang bangitin."sagot niya nalang.

"Ha bakit naman? Karapatan niyang malaman ang lahat Sabby..kahit kami na kaibigan mo hindi mo rin sinabi samin na may sakit ka!"naiiyak na usal sa kanya.

Isinandal niya ang sarili sa headboard at nanghihinang huminga ng maayos lalong kumikirot ang dibdib niya.

"W-wala na kami.."natigilan naman ang dalawa si Cheska naman ay alam na niya "Mahal niya si Lexza..narinig ko silang nag-uusap sa condo ni Ren..bibisitahin ko sana siya..pero iba ang bisita niya."gusto niyang umiyak pero dapat pigilin niya ito nasasakyan lang siya hinagod naman nila ang likuran niya at nag-aalalang nakatingin sa kanya.

"Sorry Sabby..diko alam na ganito pala ang nangyari."usal ni Jade.

"Ano na ngayon ang gagawin mo?"tanong ni Caryl nmganon rin ang tanong ni Cheska kanina pero hindi niya masagot, napakagat labi nalang siya sa naisip niya."Ipaglalaban mo ba si Ren?"

"Hindi...wala na ako sa lugar para ipaglaban siya..nalaman ko na ang sagot nila pareho...at pareho silang nagmamahalan..parang ako ata ang ahas e."pilit niyang pinakalma ang sarili.

"Shhh shhhh shhh...maayos rin lahat Sabby."usal ni Cheska.

"May favor ako sa inyo."napatingin naman sa kanya ang apat.

"Sige? Ano yon.?"naguguluhang sagot ni Jade.

"Huwag niyong sasabihin sa kanila ang lahat na nangyari sakin..lalo na kay Ren...ayokong malaman pa niya ito..kakaawaan niya lang ako."buntong hininga niya "Kung maari kayo nalang tatlo ang makakaalam please?"pagmamakaawa niya.

"O sige.."sagot nalang ni Caryl sa kanya.

"Magpapahinga na ako..napapagod na ako e..hahaha!"mahinang usal niya.

"Sige Sabby..magpahinga kana dito lang kami."usal ni Cheska.



NANG MAGISING SIYA ay wala na ang mga kaibigan niya tatlong oras rin siyang nakaidlip, nakatingin lang siya sa kisame habang nag-iisip ng kung ano-ano.

"Magsaya..habang nabubuhay.."wika niya sa sarili niya iyon naman kasi ang goal niya habang buhay pa siya kaya naglayas siya para makita niya ang sarili pero natapos naman agad kasabay sa pag-usbong ng sakit niya ngayon. "Masaya kaba Sabrina?"naiiyak na tanong sa sarili niya."Dapat masaya ka..malapit na e"sa panahon na nasa condo pa siya ni Ren nakikituloy ay lagi siyang lumalabas para puntahan ang doctor niya para magpacheck-up man lang pero sa sinabi nito na kung wala pa ang heart donor niya ay wala na siyang magagawa, hindi parin makahanap si Nathan dati ng donor kaya naisipan nalang nila na huwag ng ituloy ang paghahanap at gusto niya nalang sulitin ang bawat araw.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon