PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤
CHRISTILITA❤
__________________________________
BUMABA si Sabrina sa van sout ang mask at shades niya maraming mga bodyguards niya ang humaharang sa mga reporter para makadaan lang siya papunta sa pag-aari nilang hotel, pagod siya para makisawsaw pa sa mga paparazzi na ito.
Kararating niya lang sa Pilipinas makalipas ang limang taon ay ngayon lang siya nakauwi.
Nakangisi siyang naglakad papasok sa hotel nila.
Noong nakaraang taon pa nakauwi si Nathan hindi siya sumama dito dahil sa Canada na rin siya nagpatuloy sa pag-aaral ng kolehiyo.
At isang naring ganap na sikat na model hindi niya inaasahan ang lahat, totoo nga ang sinabi ni Paul everything happens for a reason. Nang gumaling na siya ay sa sakit sa puso niya ay ilang buwan rin siyang nagpahinga at naisipang doon narin mag-aral dahil inimbitahan rin siya ni Paul na maging isang model at sa agad ring sumikat kaya kina-career niya na.
Hanggang sa mapasabak siya sa mga pangmalakihan na event for modeling ay hindi niya pinapalampas lahat ay sinusubukan, masaya siya na magkaroon ng pangalawang buhay at hinding-hindi niya sasayangin ang pagkakataon na mabibigyan siya.
At ngayon na nakauwi na siya sa Pilipinas ay namimiss niya na ang lahat lalo na ang mga kaibigan niya, si Cheska, Jade at Caryl pati na rin sina Rence at Nica na umuwi pagkatapos ng surgery niya.
Kahit sikat na siya ay hinding-hindi niya malilimutan ang mga utang na loob sa mga kaibigan niya hinding-hindi siya magbabago.
Maraming mga fans niya ang nagsisigawan karamihan sa nakikita niya ay mga bakla.
Baka maging lalaki kayo niyan kung mas tinitigan niyo pa ako?
Agad siyang pumasok sa sariling condo niya nang may bumungad sa kanya sa loob.
"WELCOME BACKKK!! SABRINA!!!"sigaw ng lahat sa kanya napangiti siya sa mga ito akala niya nalimutan na nito na uuwi siya.
"Sabby miss you!"usal ni Jade na palapit sa kanya.
"Sabby ang sexy mo at ang ganda pa!"sigaw ni Caryl sabay yakap sa kanya.
"Na miss ko kayo"masiglang sagot niya
"Ang super gorgeous mo Sabby!! Nakakaingit!"tili ni Cheska.
Nagyakapan silang apat at kumalas narin, masaya siya na nandito ang lahat! Si Mark, Rence, Nathan, Nica at ang tatlo niyang kaibigan.
Nang makaupo na siya sa sofa ay kumuha siya ng soda at ininom.
"Opps dahan dahan ka sa pag-inom baka tumaba ka diyan"pang-aasar ni Mark sa kanya ngumiwi lang siya dito at nilaklak ang hawak na soda.
"Ang laki ng pinagbago mo Sabby."nakangiting usal ni Rence.
"Oo nga Sabby you look a damn queen!"masiglang papuri ni Nica sa kanya.
"Nadala lang sa lamig ng klema don haha."biro niya nalang.
"Daming fans ng kapatid ko...sikat na!"usal ni Nathan "Sinong mag-aakala na ang dating Dora the explorer ay naging Model na?"biro nito nagsitawanan naman ang lahat.
"Kuya naman.."sabay palo nito sa braso.
"And Sabby na hanggang bahay lang noon...ngayon ay sikat na!"asik ni Cheska.
"Ang Sabby na mahiyain? Nagpopose na!"nakangiting usal ni Nica.
Nagsitawanan nalang sila at kumain sa mga nakahanda.
BINABASA MO ANG
Still Into You (COMPLETED)
Teen FictionNaisipan ni Sabrina ang maglayas sa tulong ng kanyang kapatid sa rason na ayaw niyang maikasal sa taong hindi niya gusto . Pero paano kung mapupunta siya kay Ren bilang P.A.? Na isang sikat na artista na Renzo De Vera na matagal niya ng gusto? Ang s...