CHAPTER 10

770 23 0
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤

CHRISTILITA❤




__________________________________

NASA loob na sila sa private plane sina Sabrina, Mark, Ren, at iba pang kasamahan nila papunta na sila sa El Nido Palawan para sa shooting sa bagong MV ni Ren. Malapit na silang lumanding kaya naghahanda na sila.

Makalipas ang nang ilang oras ay nagsibabaan na ang ilan, siya naman ang huling bumaba dahil bitbit niya pa ang ilang maleta na costume pa ni Ren sa MV.

Nang makarating na sila sa isang malaking beach resort nasa V.I.P. na kwarto sina Ren , Rence at Mark, sila naman ay sa kabilang kwarto at kasama niya ngayon sa isang bubong ang isang bakla na make-up artist/stylist ni Ren at isang babae na designer rin.

Mga ilang oras rin bago magsimula ang shoot kaya naglakad-lakad muna siya sa di kalayuan na dalampasigan may mga ilang babae naman na nagsisitinginan sa kanya e ano na naman ba?. Paano ba naman nakasout siya ng pajama at big t-shirt at wala man lang kadating-dating sa pananamit.

Napansin niya ang pinakamalaking puno ng manga sa laki nito hindi niya na mayakap. At bakit niya naman yayakapin? kaya napag-isipan niya na umupo nalang siya sa ilalim.

Malaki ito na kasing laki lang ng isang normal size na bahay, hindi niya na pinansin pa ang manga at agad ng umupo sa ilalim nito habang pinakiramdaman ang simoy ng hangin ipinikit niya ang mga mata niya.

Hindi siya naiinitan dahil natatakpan siya ng mga dahon nito sa init, kinuha niya naman ang cellphone niya at nag selfie para siyang tanga! Pagkatapos ay nakinig nalang siya ng music hindi siya nakadala ng headset kaya ni-loudspeaker niya ito.

Sa kantang ito maalala niya ang kabataan niya ito ang maririnig niya sa tuwing susunduin siya ng manong driver nila galing school ito kasi ang paboritong kanta ng driver nila at pinaulit-ulit pa itong e-play hanggang sa nagustuhan niya na din.

'Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal'wa ang unang nagkita?

Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula'

Nakikinig lang siya sa kanta habang nakatingin sa dagat na kulay asul at klarong-klaro pa nito kung gaano kalinis.

'Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon
Ang mga puno't halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?'

Nilingon niya muna ang paligid nang malamang walang tao ay nakisabay naman siya sa kanta dahil nagustuhan niya talaga ngayon ang kumanta. Mabuti at walang nakikinig alam niyang siya lang dito sa gilid ng punong mangga.

"Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal'wa ang unang nagkita?

Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula
Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga

At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon
Ngayon ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik

Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa?'

Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan?
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?"

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon