PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤
CHRISTILITA❤
__________________________________
NAGISING siya sa boses ni Nathan idinilat niya ang mga mata niya at nakita sa harapan niya na nag-aaway si Nathan at Cheska? Sa kwarto niya.
"Bahala ka nga jan iwan ko sayo."naiiritang usal ni Nathan.
Ipinikit niya nalang ang mga mata niya at nagpapangap na tulog ulit na-iilang siyang bumangon lalo na at may nag-aaway sa harapan niya.
-__-.
"Bahala talaga ako sa buhay ko!"naiiyak na wika ni Cheska pinakinggan lang niya ito.
"Bakit ba kasi nandito ka?hindi ko naman sinabi sayo?"iritang wika ni Nathan.
0_0?
"Ang sama mo."tipid na usal ni Cheska.
"A-ano!?"
"Pumunta ako dito para sunduin si Sabrina hindi ikaw."ramdam niya kung gaano malamig ang boses nito"Ang sama mo Nathan...hindi tayo pero pag may kasama akong iba nagagalit ka?."
"Gusto mo naman ako ah bakit pumupunta kapa sa iba?"usal ni Nathan napatawa naman si Cheska dito
"Asa ka naman na magugustuhan pa kita?"deritsong sagot nito
"Bakit hindi ba nga ba?"inis na wika ni Nathan
"Tss. Hindi lang naman sayo umiikot ang mundo ko....hindi naman tayo diba? Bakit paba ako umaasa sayo?..may iba ka diba? May iba rin naman ako...sana sa umpisa ay ipinaalam mo sakin na kapatid lang pala turing mo." Tumawa naman ito ng malakas."para makapaghanda ako na maging pangatlong anak ng mga Montano."
0_0
0_0
Cheska..
Narinig niya naman ang pagsarado ng pinto at may sumunod naman ramdam niyang si Nathan ang huling nagsarado.
Dahan-dahan siyang pumikit nang wala na ang inggay sa kwarto niya di niya alam na dinala pala siya ni Nathan dito.
Hindi niya alam kung anong pinag-awayan ng dalawa pero nalulungkot siya para kay Cheska.
Bumangon na siya para magbihis napatingin siya sa orasan niya mag-gagabi na pala napatingin siya sa cellphone niya nakita niya ang isang message na galing kay Ren
Miss na kita
Ito lang ang nabasa niya mapait siyang napangiti at bigla namang may pumasok sa kwarto niya.
"Cheska?"nakita niya kung paano namaga ang mata nito."Ayos kalang?"
"Sa tingin mo?"nakangiting sagot nito."Halika ka na dito aayusan na kita"lumapit naman siya dito para ayusan ang buhok niya."Ganda mo ngayon kaya dapat papagandahin pa kita..ako na bahala sayo."pilit na tawa nito.
Ngayon lang niya ito nakitang malungkot ayaw niyang tanungin pero gusto niyang alamin kung bakit nag-away sila ni Nathan.
"Ches? Nag-away kayo?"mahinang tanong niya.
"Oo naman..kami paba?..kailan paba di mawawala ang away namin? Kahit nalaman ko ngayon na kapatid lang pala ang turing niya sakin."sagot sa kanya nakinig nalang siya dito "Akala ko kasi nagseselos siya pag may kasama akong iba...pero kapatid lang pala?"nakangiting usal nito "Napaka assuming ko naman...sapakin mo nga ako Sabby."
"Talaga bang kapatid ang turing niya sayo? B-baka..palusot niya lang yon?..I mean alam natin na mahiyain si Kuya diba..kaya g-ganon."paliwanag niya akala niya rin may gusto ang kuya niya kay Cheska, umiling lang ito sa kanya at nagpatuloy siyang ayusan.
BINABASA MO ANG
Still Into You (COMPLETED)
Novela JuvenilNaisipan ni Sabrina ang maglayas sa tulong ng kanyang kapatid sa rason na ayaw niyang maikasal sa taong hindi niya gusto . Pero paano kung mapupunta siya kay Ren bilang P.A.? Na isang sikat na artista na Renzo De Vera na matagal niya ng gusto? Ang s...
