CHAPTER 12

752 23 0
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤

CHRISTILITA❤


__________________________________


"MAGKAKILALA kayo?"tanong sa kanila ni Sabrina.

Magkakilala ba sila? Ang alam niya nakita niya lang ito concert at mall dati.

"U-umayos ka nga Jade nakakahiya.."nahihiyang sabi ni Sabrina.

Mapakla naman itong tumawa.
"Umayos? Kararating ko lang dito tapos may kaaway pa ako kanina tapos may bubungad na naman sa akin ang isa pang mangagansyo, napakagandang welcome naman." Tinignan naman si Mark ng babae. "Actually Sabby.." nakangising tingin parin sa kanya "Magkakilala lang naman kami...paano? Bigla niya lang akong hinila at kahit sira na ang relo niya ako lang naman ang pinapapabayad dahil..kasalanan ko daw na nasira ang mumurahing relo niya." Narinig naman nila ang mahinang tawa ni Rence tinitigan naman nv masama ni Mark. "At ngayon dahil nagkita kami dito sisingilin ko siya dahil bawal sa akin ang mangagansyo!".

Naguguluhang nakatingin si Sabrina naman sa kanilang dalawa na nakatayo lang ng harap-harapan wala silang pakialam kung sino ang nasa loob ng kubo.
"Magkakilala talaga kayo? Jade?"

"Magagansyo ka pala Mark?" Biglang tanong ni Ren.

"Yes baby Ren!" Nakangiting bati sa kanya ni Jade "By the way sorry sa disturbo ngayon sa inyo, nakita ko kasi tong ungas nato."

"Anong? Ungas!? Ang relo ko nasaan na?" May kinuha naman sa bag si Jade at binigay sa kanya.

"Ito ungas! At ito pa"sabay abot ng isang papel "Permahan mo yan para di ko ipaglandakan na mangagansyo ka!" Malakas na sigaw ni Jade sa kanya, kinuha niya naman ang relo niya at papel.

"At bakit napakamahal nito!? 15,000?".

"O yesness! May reklamo ka? Pinuntahan ko ang bahay mo ang sabi ng mama mo wala ka nasa condo ka! Pinuntahan ko ang condo mo pero wala ka! Sana hindi ka nalang naglagay ng dalawang address kung wala ka naman!. Mahal talaga yan dahil mahal ang gasolina ko, oras ko at nagutom ako sa katatawag at kahahanap sayo!".

"At bakit mo naman ako hinahanap?" Nakangiting anas niya kay Jade, napataas naman ang kilay nito.

"Vuvu kaba? Sabi mo within 24hours nasuli ko na yang cheap mong relo! Hindi kita hinanap para kalang kabote sumusulpot!."

Nag-iwas tingin nalang siya nito at nilukot ang papel.
"Hindi ako magbabayad."

Nasira naman ang pinag-uusapan nila dahil may sa isang crew na nagtatanong kung sino na ang partner ni Ren napatingin naman siya ni Ren hindi parin ito nag-iisip kung sino ang partner niya di man lang naaburido di tulad niya na nalalagas ang buhok sa kaiisip.

"Maghanap na tayo ng partner mo sabihin mo sabrina sa--"

"Wag na kayong maghanap."tipid na pambara na wika ni Ren sa kanya.

"At sino naman ha? Si Lexza? Gusto mo yon?". Sumali naman sa usapan nila si Jade na ngayon ay nakaupo sa tabi ni Sabrina."Lexza? Tama! Si Lexza! Siya ang paborito namin na kaloveteam ni Sabrina e!! Diba Sabby?." Napairap nalang siya sa hangin.

"Hindi nga pwede kaya wag kang sumali sa usapan." Pambabara niya, hindi pwede na si Ren lang ang bumabara sa kanya dapat makaganti din siya "Bahala ka Ren wala na tayong oras para humanap dalawang oras nalang magsisimula na ang part sa partner mo at di pa tayo nakahanap."

"Sino na ngayon?" Nag-alalang tanong ni Rence sa lahat tumingin naman ito kay Jade at Sabrina.."Gusto niyo ba?" Nakangiting tanong nito.

Tumili naman ng palakas-lakas si Jade "Sino bang hindi!? Matagal ko ng dream ang makita ang idol namin ni Sabby!! Bonus nalang pag nasali ako sa MV na ito!".

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon