PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤
CHRISTILITA❤
__________________________________
NAISIPAN niya ng umuwi sa sariling bahay niya para doon na magpatuloy sa pagpapahinga niya, napangiti nalang si Ren sa reaksyon kanina sa kanya ni Sabrina.
Naguguluhan siya sa buhay ng dalaga hindi niya alam na malaki pala ang pinagdaraanan nito ngayon, nagsisisi siya sa mga ginagawa niya noon sa lalo nasa ginawa niyang pahiya sa maraming tao.
Masyado siyang nagpadala sa init ng ulo niya sa tuwing makikita niya ito, iwan ba bakit dati ay inis na inis siya sa dalaga pero ngayong naintindihan niya na ay hindi niya na ito pinag-iinitan pa.
Unting-unti niya na itong nakilala kung ano at sino ito.
Nagtungo nalang siya sa sariling bar niya para uminom wala naman siyang ibang gawin kaya iinom nalang siya, napaisip nalang siya sa pinsan niyang si Rence.
Kahit papano ay nag-alala siya para rito himala nalang at di na ito tumawag sa kanya.
Bigla namang nagring ang cellphone niya akala niya ang pinsan niya na pero iba ang bumungad sa screen ang pangalan ni Lexza, nagdadalawang isip naman siya kung sasagutin niya ito. Una ay hinahayaan niya nalang pero nakailang tawag na ito kaya sinagot niya na.
"Hey Ren?"usal nito sa kabolang linya. "Kumusta kana?"halatang lasing ito ngayon dahil sa boses nito, hindi niya sinagot at hinayaan nalang itong magsalita.
"Ren sagutin mo..""Ano naman?"tipid na sagot niya
"Mag-usap tayo.."
"Lexza.. wala akong oras busy ako ngayon."palusot niya ayaw niya makita ang dalaga ngayon.
"Busy? At kanino naman ha!?"naiinis na tanong nito sa kanya.
"O bakit ka nagagalit pag busy ako? Hindi ka naman galit sakin dati pag-busy ako?...mas gusto mo pa nga diba?"nanunudyong sagot niya rito.
"A-ano? Ren anong pinagsasabi mo ha!?"sigaw na tanong nito sa kanya.
"Lexza..manliligaw mo ako at di ibig sabihin na pwede mo akong paglokohin at gawing tanga."bababaan niya sana ito ng magsalita ito.
"Nagkakaganyan kana dahil sa P.A. mo! Nawala lang ako ng dalawang buwan at iyan na ang makikita ko sayo..ang pagmukhain akong tanga!"
Hindi alam ni Lexza na sinundan niya ito kaya ganon nalang ang galit niya sa dalaga na hanggang ngayon ay di pa umaamin sa kanya kahit kitang-kita na niya na sa London ang lahat.
"Ano naman sayo kung naging ganito ako sa kanya?"
"So totoo nga!? Na pinag-iikot ka ng P.A mo!"
"Kesa ako pa ang ikutin mo?"seryusong sagot niya sa dalaga, at bakit naman napasali ang P.A. niya sa usapan nila? napatahimik naman ang kabilang linya mga ilang segundo pa bago ito magsalita.
"Mga manloloko kayo!!"binabaan naman siya nito. Hindi ako manloloko Lexza..ang sarili mo.
Tinapon niya nalang ang cellphone niya sa may sofa.
Bakit ba hanggang ngayon ay dipa inaamin sa kanya ni Lexza ang totoo? Ayaw na ayaw niya ng bumalik sa piling ng dalaga hindi pwedeng isang Renzo De Vera ay mapaglaruan nagmumukha siyang laruan sa ginagawa nito sa kanya hindi pa ganon katanga sayo Lexza at ayaw niya ng maulit pa ito.
DALAWANG-araw na ang nakalipas at himala at wala siyang trabaho ngayon dahil sa susunod na araw pa gagawin ni Ren ang upcoming commercial niya.
Nilinis niya nalang ang condo niya dahan-dahan na rin siyang nag-impake balak na niyang umalis sa susunod na buwan, malapit narin ang pasukan at di pa siya nakapag-enroll.
![](https://img.wattpad.com/cover/208938140-288-k685738.jpg)
BINABASA MO ANG
Still Into You (COMPLETED)
Novela JuvenilNaisipan ni Sabrina ang maglayas sa tulong ng kanyang kapatid sa rason na ayaw niyang maikasal sa taong hindi niya gusto . Pero paano kung mapupunta siya kay Ren bilang P.A.? Na isang sikat na artista na Renzo De Vera na matagal niya ng gusto? Ang s...