CHAPTER 6

812 25 0
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤

CHRISTILITA❤




__________________________________


GABI nang matapos ang last shoot ni Baby Ren niya ay busy pa ito dahil may kausap pa sila ni Mark sa susunod na magiging project nito. Nalaman niya rin na hindi pala bakla si Marky kaya Mark nalang ang itatawag niya, muntikan ng magiging sayang si Mark sa kababaihan mabuti nalang nalaman niya kay Rence na lalaking lalake ito.

Nasa bungalow lang siya nakaupo sa sofa nakatingin sa papalubog na araw habang himas-himas nito ang paa. Ang favor ni Rence sa kanya ay paselosin si Nica at ayon umobra na nga dahil pinatid siya habang pababa ng cottage, hindi nito sinabi ang dahilan pero parang may naamoy siya na kakaiba sa dalawa.

'Ang sakit putik naman o! Sinakripisyo ko pa ang paa ko para sa kanila!'

Agad naman siyang umayos ng upo nang makita niya si Rence papalapit sa kanya.

" Ayos ka lang? Pasensya na ha nasali ka pa tuloy". Wika sa kanya ng binata at umupo sa tabi niya.

" Ayos lang ako e ikaw nagkaayos na ba kayo kanina?" Tanong niya umiwas naman ito ng tingin sa kanya. "Hindi pinaalis ko siya."
Agad niya naman itong pinalo.

" Hoy Rence alam mo na hindi talaga ako okay hanggang ngayon dahil sa sakit nito halos maputol ang ugat ko dahil sa kadramahan na ginawa ko tapos nahantong lang sa wala!?"

" Sorry na Sabrina pasensya na wala parin akong lakas na loob sa kanya kaya ayon nasayang lang".

" Pssh sabihin mo kasi kung anong gusto mo para magka-alamanan na".

Namilog naman ang mata niya na inakbayan siya nito habang nasa sofa lang sila.

"Pero salamat ha sana maulit pa yon" nakangising wika nito.

"Baliw kaba kung uulit-ulitin ko pa ang pagkahulog sa hagdan baka magka-usap na kayo ay wala na akong paa!" Tumawa naman si Rence sa kanya at napahinto sila dahil may tumikhim galing sa likuran nila. Napalingon naman siya at agad napatayo sa gulat. Si Baby Ren lang naman at si Mark ang nakatitig sa kanila nakatayo pa!.

" Nice view." Pukaw ni Mark sa kanila.

Napatingin siya sa gawi ni Ren nakatitig lang sa kanya na walang buhay. Nagsalita naman ang katabi niya na si Rence.

" Oo nga." Kumalas naman ito sa pag-aakbay sa kanya." Aalis na ako sinamahan ko lang wala kasing kasama siya e at napilay pa." Nilingon naman siya ni Rence  "Alis na ako magpagaling ka" naglakad naman ito palabas.

" Sabrina may something kayo?"
Tanong ni Mark sa kanya.

"Wala." Malakas na tugon niya.

" Sige iligpit mo nalang muna yong gamit namin para makauwi na tayo bukas." Sabi nito sa kanya at umalis na rin. Sila nalang dalawa ni Ren ang magkatinginan ngayon nakapamulsa ito at ang hot niya!kahit gabi!.

" Ah sir may kailangan pa po kayo?"

Tinalikuran lang siya nito at pumasok sa kwarto. Napabuntong hininga nalang siya alam niyang pagod ito kaya walang gana. Wala naman talagang gana ang lalaki na iyon kahit kailan sa kanya.

Sinimulan na niyang inayos ang mga kagamitan nila ligpit doon ligpit dito ang ginawa niya naligo naman siya pagkatapos ay nagbihis ng pantulog at nakaupo na sa sala.

Gabi na talaga dahil alas nuebe na at napakadilim narin liwanag lang ng buwan ang makikita  mo lalo na at walang ilaw ang bungalow na ito. Mabuti nalang at hindi siya takot sa dilim dahil nasanay na siya.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon