CHAPTER 39

539 21 1
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤

CHRISTILITA❤

__________________________________

IPINAGLUTO NI Sabrina ang lahat para sa umagahan nila gumising siya ng maaga para dito masaya siya na makita ang lahat.

"Lets eat."usal niya sa lahat

"Parang masarap to a!"masiglang usal ni Rence.

Napangiti nalang siya dito ngayon lang niya itong nakitang masay muli dahil kay Nica.

"Ang bango!"sabi ni Cheska.

"Sige na sige kain na tayo."nakangiting usal ni Nathan sa kanila.

Nang matapos silang kumain napag-isipan nila ni Nathan at Cheska na umalis papuntang hospital samantalang sina Rence at Nica ay umalis may pupuntahan daw.

Nang nasa hospital na sila ay panay tingin niya nalang sa bawat paligid nakaramdam ng takot at amoy ang iba't ibang amoy na gamot na umalingasaw.

Papasok na sila sa isang room nang biglang mahilo siya at napakapit sa braso ni Cheska panay tawag nito sa kanya pero wala na siyang lakas para magsalita pa dito at ipinikit niya na ang mga mata niya.







NANG magising siya ay nasa isang kwarto na siya at marami na ang nakakabit sa kanya, lumapit naman sa kanya si Cheska na nag-aalala.

"Sabby..ano na ang pakiramdam mo? May masakit pa ba ? Kumikirot paba ang puso mo?"nag-aalalang tanong nito sa kanya napataas nalang ang kilay niya dito kung makapagreact ito ay para bang may mali.

"O-oo naman.."sagot niya na halatang napapagod

"Sabby...nag-aalala lang kami ni Nathan sayo...5 days kang tulog."iyak na usal nito na ikinamilog ng mata niya para sa kanya para lang tatlong oras ang pag-idlip niya.

"G-ganon kahaba..?"tumango naman ito sa kanya.

"Huwag ka ng magsalita...magpahinga ka muna..darating ang parents mo dito mamaya."

"Sige..thank you talaga Cheska."nakangiting usal niya.

Mga ilang oras rin siyang nagpapahinga at di parin siya makapaniwala na halos isang linggo siyang nakahiga, lumabas muna si Cheska para bumili ng kape at nang makarating ito ay may kasama ito naguguluhan siya kung bakit nandito ito ngayon pero masaya siya makita ito.

"Paul!"kahit palakasin niya pa ang boses niya ay mahina parin.

"Wag kang sumigaw baka mapano ka"nag-aalalang usal nito sa kanya nginitian niya na ito.

"Naparito ka?..nandito karin pala?"tanong niya dito.

"Naisipan kung mangibang bansa e..baka dito ko mahanap ang gusto ko."sagot nito.

"Ahh..paano kayo nagkita ni Cheska."napangisi naman ito sa kanya.

"Nandoon ako sa Coffee shop para kumuha ng random pics at e post ko pero nakita niya ako..nalaman ko nalang na nandito ka pala...kaya sumama na ako sa kanya para dumalaw."mahabang sagot nito

"Ganon ba.."usal niya nalang dito lumapit naman ito sa kanya na may hawak na camera."Hilig mo talaga sa camera no?"tanong niya nalang.

"You wanna see it?"sabi nito at inabot ang camera sa kanya kinuha niya naman ito at pinagtitignan ang mga litrato.

Napamangha siya sa bawat kuha nito masyadong maganda ang bawat angulo na kuha nito propesyuna na propesyunal.

"Ganda naman!"nakangiting sabi niya nalang habang nakatingin sa camera hanggang sa mapansin niya ang ilang litrato, litrato kung saan nasa may bench siya ito yung first day of school niya na siya ang pinakamaagang dumating.

"D-diko alam kinuhanan mo pala ako dito"turo niya sa litrato.

"Ahh yan ba..napansin ko lang kasi na ang ganda mo kunan ng litrato..sorry pala kung hindi ko sinabi sayo.."sagot nito.

"Ayos lang..haha maganda naman e."

Napalingon sila pareho nang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang mga magulang niya.

"Mom! Dad.."mahinang usal niya.

Nilapitan naman siya ng mga ito at niyakap agad ng mahigpit.

"Are you alright?"tanong ng ina niya

"Nakahanap naba si Nathan ng donor mo?"tanong ng ama niya lumapit naman si Cheska at Paul para bumiso dito.

"Ahmm tito naghahanap pa po si Nathan.."usal ni Cheska di niya alam na naghahanap pala ngayon si Nathan "w-wala kasing mahanap si Nathan dito kaya pumunta siya sa ibang hospital."usal nito.

Napatingin siya kay Paul na nakikinig lang na naguguluhan at the same time nang mapasulyap ito sa kanya ay nginitian niya lang.

"Sabby na miss ka namin sobra.."yakap ulit ng ina niya pero hindi na mahigpit.

Kailangan niya talaga kontrolin ang emosyon niya para hindi lubusang maapektuhan ang puso niya, hindi dapat nagugulat,masaya,malungkot,galit o ano pa dahil dapat balanse lahat.

Kung dati ay tanggap niya na mamamatay siya pero ngayon ay parang gustong niyang pakiusapan ang panginoon na huwag muna siyang patayin, parang nasa puso niya ngayon ay kailangan niyang maging malakas at magpapakatatag.

Sana may donor na siya.

Sana makakahanap na sila ng donor.

Isang linggo na rin ang nakalilipas ay nasa hospital bed parin siya nakahiga, lumilipas ang araw ay mas nanghihina na siya at nararamdaman na niya na bibigay na siya. Wala narin sa tabi niya si Cheska nakauwi na ito kahapon dahil mag-aaral pa ito at nangako naman ito na hindi magsasabi kay Ren, kahit alam niya na burara at maingay na tao si Cheska ay alam niya kung paano ito mangako at tinutupad naman nito.

Nabuntong hininga nalang siya na maisip niya na
Wala parin ang donor niya..

Bakit ba ang hirap makahanap ng donor para sa kanya? Ito na ba tadhana sa kanya? Ang mamatay na nagdudusa sa di maayos na paghinga?.

Ipipikit na niya ang mga mata nang dumating si Nathan na hingal na hingal papunta sa kanya.

"S-sabrina...thanks God!..akala ko kung ano na ang nangyari sayo."abot hiningang usal nito.

"Kuya buhay pa ako..di pa ako mamamatay.."sagot niya naman

"Malapit na tayong makahanap ng donor Sabby..kaunting tiis nalang."

"Kakayanin ko..a-alam kong meron..at darating siya kung sino man siya."naiiyak na usal niya.







PARANG MABABALIW si Nathan sa kahahanap sa magiging donor para sa kapatid niya at nagpatulong narin siya sa mga kakilala niya kahit sina Rence at Nica ay tumulong narin.

Isang linggo silang naghanap at nakahanap narin sila. Parang nawalan siya ng isang malaking tinik sa katawan matapos mahanap niya ang makakapagliligtas sa buhay ng kapatid niya.

Abot langit siyang nagpapasalamat na nakahanap narin sila ang makakapagaling kay Sabrina.

Ayaw niyang mawala si Sabrina at kahit hindi man niya kadugo ito ay napamahal narin sila, akala niya dati ay magkapatid sila pero nung sabihan siya ng ama sa totoo ay hindi niya matanggap.

Kahat na nagkaganon ang buhay ni Sabrina ay ayaw na niyang maulit pa ang sakit na dinaranas nito ngayon, hindi niya hahayaang masaktan pa ang kapatid niya.





__________________________________

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤

CHRISTILITA ❤

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon