CHAPTER 9

760 21 0
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤

CHRISTILITA❤


__________________________________


NAPABANGON si Sabrina dahil sa ring ng phone niya kaya di na niya tinignan at dali-daling sinagot.

"Pumunta ka na sa DYM Building 1pm sharp."

"Hello sino to?"

"Mark ito."

Sasagot sana siya pero binabaan na siya nito.
Napaisip naman siya kung bakit nga ba papupuntahin siya doon?

Halos Dalawang buwan na ang lumipas sa pag-alis ni Ren at pumunta sa ibang bansa. Sikat parin ang binata kahit walang balita tinatakpan lang ito ni Mark.

Bakit naman siya tinawagan ni Austin? Dumating na kaya si Ren? Di kasi ito nagparamdam sa kanila at alam niyang galit si Mark dahil hindi ito sumusagot pagtinatawagan ito at gusto na sanang pumunta ni Mark sa London pero busy siya sa trabaho niya, sabi naman ni Rence na pagnanahimik si Ren ayaw nitong magpadisturbo kaya wala silang nagawa.

Samantalang siya naman nawalan ng amo kaya nawalan ng trabaho pero patuloy parin siyang sinusupportahan ng kuya niya.

Nagtungo nalang siya sa DYM Entertainment sabi ni Mark sa kanya noon na gawin niya muna ang gusto niya sa sarili kaya hindi na siya pumunta pa doon, pero ngayon ay pinatawag siya at ngayon lang siya tinawagan makalipas ang halos dalawang buwan.

Masyado pa siyang maaga may 30 minutes pang natitira pumasok muna siya sa malapit na cafe ng building para maghintay, umorder naman siya ng isang kape habang sumisimsim may tumabi naman sa kanya kaya nilingon niya ito.

"Hi" nakangiting wika ng binata sa kanya.

" Hello Rence ikaw ba yan? kumusta?" Sambit niya sa binata.

" Okay lang naman" napahawak naman ito sa phone at binalingan siya muli " Sabrina nandito ka pala? Napansin kong humaba na ang buhok mo?"

"Oh? What do you mean?" Taas kilay niya tanong nito

"Dati kasi hanggang leeg lang yang buhok mo ngayon nasa shoulder mo na you look more beautiful with that. I like it."

Sa dalawang buwan ba naman sinong buhok ang hindi hahaba?

Lalo na at madali lang tumubo ang buhok niya.

"Ganon ba?.." pilit naman siyang ngumiti sa binata.

" Tara sama ka sa akin" napataas naman ang kilay niya.

" Saan naman?"

"Papunta ako kay Mark sasama kaba o sasama ka?". Nakangiting sambit nito sa kanya.

"As if naman may pagpipilian?"
Napangiti nalang siya sa binata at sumabay nalang.

Hinila nalang nito ang kamay niya hanggang nasa opisina na sila ni Mark.

Papasok na sila sa opisina ni Mark pero kinakabahan siya sa di alam na kadahilanan.

' Kailangan kong mag practice sa speech pag nakita ko si Mark baka pagagalitan niya ako? Bakit naman ako pagagalitan niya? Wala nga akong masamang ginawa naman.  bahala na'

Nalaman kasi nito na nagtapon siya ng regalo mula sa bakod at napag-alaman ng ama niya na siya iyon, ngayon ay nahinto narin ang paghahanap sa kanya dahil alam na nila na ayos siya..at lumayas lang.

Pinihit niya naman ang doorknob nilingon naman siya ni Mark ginantihan nalang niya ito ng ngiti.

" Hi Mark" ngiting may halong kaba na wika niya.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon