PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤
CHRISTILITA❤
Thanks a lot guys
__________________________________
NAPASIMANGOT si Sabrina habang lumabas sa room ni Ren napapansin niyang galit ito sa kanya at ayaw siyang makita, di naman niya alam na brief na pala ang nahahawakan niya!?. Napabuntong hininga nalang siya nahihiya siya sa nangyayari kabago-bago niya palang ganito na ang kapalpakan na dala niya pumasok sa office ni Marky.
Hindi niya pa nakocontact ang mga kaibigan niya tiyak magwawala yon pag nalaman nilang P.A. siya sa idol nila, at!! Nakita niya pa ang idol niya na si Lexza! Ang ka loveteam ni Baby Ren niya! O well wala siyang panlaban sa kagandahan ni Lexza masyadong maganda ito deserving talaga na maging isang celebrity bagay na bagay sa idol niyang si Baby Ren!.
Minsan na siyang nagkacrush kay Ren pero crush lang yon wala ng iba ang pagkakaalam niya pa ay nanliligaw na ito kay Lexza which is bagay sila! naiintindihan niya namang masungit ang idol niya marami itong ginagawa sino bang tao ang makakalma kung maraming ginagawa at pagod na pagod? Tell me kung sino? , di niya pwedeng sabihin sa mga kakilala niya kung saan siya.
" Salamat at nandito ka, pakidala muna itong mga papel echos nato sa itaas hinahanap ni Ms. Yna"
"Sige po"
Kinuha niya ang mga papel at tumalikod na sana siya nang magsalita pa ito.
" Wait!" Iinis na sigaw ni Marky sa kanya. " Order mo ako ng kape pagkatapos diyan salamat".kape na naman? Ilang kape ba ang mauubos niya sa isang araw?.
Tango lang naging sagot niya nito agad niya namang pinuntahan ang dapat puntahan niya pagkatapos kay Yna ay pumunta siya sa coffee shop para mag-order ng kape. Agad na naman niyang napansin ang lalaking naka all black kasama ang girlfriend niya.
Napapansin niya na pamilyar sa kanya ang babae bukod sa natapunan niya ito ng kape sa mall ay mas pamilyar pa niya ito sa hindi alam na dahilan.
Iniwasan niya ang mga ito at hindi niya pa nalilimutan ang bunguin siya kanina sa may elevator.
Kinuha na niya ang order niya at lilisanin na niya ang cafe pero may nabangga naman siyang tao at natapon nito ang kape sa bandang puson nito.
Di na niya ito tinignan kung sino agad naman niya lang pinunasan kesa magalit pa ito nang todo sa kanya.
"Hey-"
Agad kinuha ng lalaki ang kamay niya at nagulat rin siya sa parte na pinunasan niya.
" Sorry po sir diko po sinasadya" pakiusap niya nito kinakabahan siya baka magwala ito kagaya sa nangyari sa mall, yun nga lang e iba ang taong nasa harapan niya.
Dahan-dahan niyang tinignan ang nabangga niya dahilan na rin sa takot at kaba.
' Na naman? Bakit ako nalang palagi ang nakakaexperience ng ganito? Bakit palagi nalang natatapunan ko ng kape ang mga nakabunggo ko?'
Nahalata naman ng lalake ang takot niya kaya napangiti nalang ito sa kanya.
"S-sir?"
" Okay lang " ngumiti naman ang lalake sa kanya " Mag-order kanalang ng bago."
Binitawan na siya ng binata at pumunta ito sa counter.
This time na-anghelan siya dahil hindi galit ang lalaki sa kanya nginitian siya nito.
Bumalik ulit siya sa counter para mag-order ng bagong kape. Nasa gilid lang ang binata sa kanya ramdam niya ang hiya kaya namumula siya na parang kamatis ngayon.
" You know what? You look cute". Agad naman siyang nag-iwas tingin at di na niya kina-usap ang lalaki.
May naglahad ng kamay sa kanya para mag-shakehands.
BINABASA MO ANG
Still Into You (COMPLETED)
Teen FictionNaisipan ni Sabrina ang maglayas sa tulong ng kanyang kapatid sa rason na ayaw niyang maikasal sa taong hindi niya gusto . Pero paano kung mapupunta siya kay Ren bilang P.A.? Na isang sikat na artista na Renzo De Vera na matagal niya ng gusto? Ang s...
