CHAPTER 37

540 16 0
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤

CHRISTILITA❤

__________________________________

NAIMULAT NI Sabrina ang mga mata niya sa sakit ng ulo, nasa sariling kwarto na siya ngayon napatingin siya sa may sala ng kwarto niya nakaupo doon si Nathan, Daddy at Mommy niya. Napabuntong hininga nalang siya matatawag pa ba niya ito ng Mom? Dad? Kuya? kung narinig na niya ang sikreto nito.

Napabangon siya at sumandal sa headboard agad naman lumapit sa kanya ang Daddy niya.

"Sabby ayos kalang?"tanong njto sa kanya.

"Anak may masakit pa ba?"tanong ng ina niya, nginitian niya lang ito ngiti na hindi naman totoo.

"Anak? Kailan niyo paba sasabihin sakin ang totoo?..kung kailan mamatay na ako?"tanong niya sa mga ito halata naman sa hitsura nila ang gulat.

"Sabby wag kang magsasalita ng ganyan"nag-aalalang wika ng ina niya.

"Totoo naman diba? Na ampon lang ako."nangingilid na luhang tanong niya."Bakit di niyo man lang sinabi sakin?.."napipiyok na tanong niya.

"Sabrina..wag kang emosyonal ngayon..ikakasama mo yan"banat ng kuya niya sinulyapan naman niya ito, napansin niya na parang wala lang ito matapos malaman nito na ampon siya. "Nathan alam na mo ba?"tanong niya napayuko naman ito sa kanya."B-bakit di mo sinabi sakin?..p-pinagkatiwalaan ko kayo."iyak na tanong niya.

"Sabrina a-akala kasi namin..hindi na kami magkaka-anak sa pangalawang pagkakataon...m-may..nag-iwan sayo sa gate."nahihirapang paliwanag ng mama niya, napasinghot siya sa narinig niya nasasaktan siya sobra..di niya alam kung sino na siya ngayon kung may tunay na magulang pa ba siyang mababalikan kung hinahanap pa ba siya nito?.
Bakit nga naman siya hahanapin? Kung iniwan lang siya sa may gate.

Pinapahid niya ang mga luha niya at hinarap ang mga iton

"K-kung ganon...sana pala sinabi niyo sakin ng maaga...maiintindihan ko naman ..kesa itago niyo pa ng matagal...m-mga sinungaling."napipiyok na boses niya.

"Sabrina sasabihin naman namin talaga pero wala kaming makitang oras."wika ng ama niya "natatakot rin kami baka magalit ka..malungkot ka..masaktan ka..kaya mas pipiliin na nga naming itago "

"Pero ito na e!..nasaktan ako...kaya pala kahit anong hanap ko sa mga pictures ko nung bata pa ako ay diko mahanap!...kahit man lang inaakay-akay niyo man lang ako kagaya ni Nathan!.."galit na sagit niya.

"Sorry Sabrina.."tanging usal lang nito sa kanya.

Hindi naman siya galit e pamilya niya nagpapasalamat pa nga siya dahil swerte siyang nakakapag-aral at nakukuha ang gusto niya kahit ampon lang siya..hindi lahat ng anak ay nakakaranas ng ganitong bagay. Pero bakit siya inawan..patapon ba siya? Anong rason? Sino ang magulang niya!?.

"H-hindi ako isang Montano...ampon lang ako."mahinang usal niya..

"Sabrina wag kang magsasalita ng ganyan...tinuring ka naming anak at mahal na mahal ka namin..hindi ka iba."paliwanag ng ama niya tinignan niya lang ito at lumapit sa kanya para yakapin.

"P-pero di parin ako...isang Montano.."sagit niya na umiiyak "Ampon ako..ampon! Ampon! Ampon lang!"malakas na iyak niya.

Sumakit na naman ang puso niya sa nararamdaman niya ngayon para siyang mahihimatay sa natunghangayan ngayon sa mag nalaman niya, akala niya maayos na ang lahat..akala niya isang lang ang dinadamdam niya.

"Sabrina..Sorry Sabby.."naiiyak na lumapit ang ina niya at niyakap siya habang si Nathan ay hinahagod-hagod ang likuran niya.

"Sorry sis."

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon