CHAPTER 8

727 23 0
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤

CHRISTILITA❤





__________________________________

HUMINGI ng numero si Sabrina kay Mark gusto niyang tawagan at kumustahin ang kuya niya matagal narin ang nakalipas halos isang buwan ng dumaan, hinahanap narin siya kaya sa condo lang siya nagtatambay at minsan ay magmamask nalang para di halata ang mukha niya para tuloy siyang artista na panay disguise.

Dinial niya ang numero ng kuya niya sa bagong sim card niya mga ilang ring bago pa ito nagsalita.

"Hello sino to?"rinig niya ang boses babae sa kabilang linya, di naman niya kilala kung sino ito? Baka nagkamali lang siya ng tawag pinatay niya naman ang linya. At dinial ulit ang numero sa papel na binigay ni Mark nag ring naman ito at babae na naman ang sumagot.

Napataas naman ang kilay niya baka may fiance na ito ng kuya niya?.

"Hello? Sino bato?"tanong muli sa kabilang linya.

"Ahmmm nandyan ba si N-nathan..Nathan Montano? Gusto ko siyang makausap"

"Sino ka nga?"

"Ibigay niyo nalang ho sa kanya alam niya kung sino ako."

"Well wala siya dito busy siya may pinuntahan bye."

Napairap nalang siya sa hangin ang sungit ba naman ng katawag niya?binabaan pa siya!.

Magluluto na sana siya ng mag ring ang phone niya agad niya namang sinagot nang mapag-alaman na kuya niya ang tumawag.

"Sabby?..kumusta ka na? Ayos kalang ba?"

"Oo naman kuya..salamat pala sa allowance na padala mo..natanggap ko naman."

"Ayos lang ba kayo ni Mark dyan?"

"Oo naman...pero ikaw kuya? Ayos po ba kayo? Sino yung babae kanina?"mga ilang segundo oa bago nagsalita ang kuya niya.

"Fiance ko..."

"Oh talaga? Kumusta si mama?"nag-alalang tanong niya na miss niya ang ina kahit papano at ang ama.

"Ayos lang silang dalawa pero di mawawala sa kanila ang mag-alala sayo pero wag kang mag-alala pag natapos na akong ikasal kukumbinsihin ko si Daddy na wag ipatuloy ang kasal yon kasi ang rason kaya ka daw umalis which is totoo naman."

"Salamat kuya ha? Pero uuwi naman ako paghanda na ang sarili ko.."

"Sige pero...ipapaalala ko sayo na birthday ni mommy ngayong sabado"napaisip naman siya hindi niya namalayan na kaarawan na pala ng mommy nila sa sabado, may apat na araw pa siyang pag-isipan kung makakapunta ba siya.

"Oo..a-alam ko.."

"Okay..so ibababa ko na bye Sabby mag-iingat ka diyan."naputol naman ang linya napabuntong hininga nalang siya gustong gusto niyang makita ang ina niya pero natatakot siya na makita siya ng ama niya.













PAPASOK na sana si Mark sa kilalang 'Relosayos' isang repair shop na pagmamay-ari sa kaibigan ng mama niya na si Tita Relosa, hawak-hawak na niya ang sirang relo nang may biglang sumingit naman sa dinadaanan niya kaya tumilapon ang relong hawak nito.

" Sorry manong!" Sigaw ng babae sa kanya na palabas na sa shop.

Naningkit naman ang mata niya sa galit. Di ba niya alam na napakamahal at ini-ingatan niya ang relo niya tapos matatapon lang basta basta?

Agad niya namang sinundan ang babae nang malapit na ito ay hinawakan niya ang braso nito.

" Manang sandali!" Sigaw niya sa babae nilingon naman siya nito kung tinawag siyang manong ay manang rin ang itatawag niya.
" Bayaran mo to" sabay taas sa hawak niya relo."Ikaw ang dahilan kung bakit nasira to kung hindi mo lang ako binangga."

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon