PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤
CHRISTILITA❤
__________________________________
NASA ilalim lang ng manga si Ren hawak-hawak ang isang bote, iniisip niya parin ang pinag-usapan nila ni Lexza sa hagdan.
FLASHBACK
Nasa bar siya umiinom naka shades naman siya para di siya makilala ng iba, may kumalabit naman sa kanya.
"Ren!"tumabi ito sa upuan niya."Hey pansinin mo nga ako!??"nakangiting sabi nito sa kanya, kinalabit naman nito ang mga braso niya sa braso niya "Bakit ba ayaw mo akong pansinin? Nagtatampo kaba?".inalis niya ang pagkakahawak ng mga braso nito sa kanya.
"Huwag mo akong hawakan Lexza..umalis kana. Lasing kana."tumayo naman siya at iniwan ito pero lumapit parin ito sa kanya.
"Ren...Ren..ihatid mo ako.."bigla naman ito natumba sa harapan niya wala siyang magawa kundi alalayan niya lang ito at ihatid sa Room niya papaakyat naman sila ng hagdan ng bigla itong magsalita." Ren?. Hahaha..alam mo kung ano ang ginawa ko kanina? Ayokong..may iba kang kasama!."
"Tumahimik ka na Lexza lasing ka lang."inis na singit niya nito.
"Hindi ako lasing okay!? Haha kanina naiinis ako sa inyo! Ang landi ng P.A. mo!"napataas naman ang kilay niya at binitawan si Lexza napa-upo naman ito sa hagdan tumayo naman ito at nagalit sa ginawa niya.
Di niya nga alam bakit binitawan niya ito."Bakit mo ginawa yon? Alam mo naiinis na ako sayo Ren!bakit ang sungit muna sa akin ha!?"hindi niya ito pinansin "Ano ba Ren!?kausapin mo nga ako! Don't tell me pumapatol ka na sa P.A. ngayon!?"napalingon naman siya kay Lexza.
"Alis na ako."tipid na sahot niya ayaw na niyang pumasok sa kwarto niya nawalan siya ng gana.
"Ipinagpalit mo ako sa Personal Assistant mo! Ha!" Mapakla naman itong natawa "kaya pala siya ang kinuha mong maging partner sa MV mo ngayon? Nawala lang ako ng sagli--".
"Tumahimik ka Lexza!!"umalingaw-ngaw ang boses ni Ren napahinto naman si Lexza halatang gulat rin "You think pumatol ako sa kanya? That's bullshit! All this time ako parin ang sinisisi mo? Bakit hindi mo maisip ang kasalanan mo?"
"What!? Ano ba ang pinagsasabi mo? Ano ba ang kasalanan ko ha!"sigaw sa kanya ni Lexza hindi na niya ito pinasalita pa ayaw niyang may makakakita sa kanila na ibang tao mas gugulo lang ang lahat.
"Bakit wala? Wala nga ba Lexza?"nakatingin lang siya sa dalaga at titigan lang ito.
"Wala..."sagot nito nainis naman siya sa sagot nito sa kanya.
"Leave me alone!!"sigaw niya nanigas naman sa kinatatayuan si Lexza at dahan-dahan na napa-atras at umakyat sa hagdan.
Naiwan lang siyang nakatayo sa kawalan.
END OF FLASHBACK
Napabuntong hininga nalang siya at nilagok ang alak niya bago pa niya itong malunok ay rinig niya ang malakas na ingay na nangagaling sa speaker.
"Sabrina!!nasaan ka!?pinag-alala mo akong bata ka!"
Kahit nasa malayo lang si Ren rinig niya ang malakas na sigaw ng isang babae mula sa cellphone ni Sabrina, may katawag ito sigurado siyang ina niya ito. Pinagmamasdan niya lang ang dalaga na nakatayo malapit sa manga na kinaruonan niya.
"Ma. Sorry po sa ginawa ko alam kong galit kaayo sa akin ngayon."
"Anak alam mo ba na hinahanap kana namin!? Nasaan ka magpakita ka! Umuwi kana!"
"Ma...Sorry po...alam ba to ni Dad?."
"Wala siya dito sa bahay nasa Laguna siya ngayon.. at ipapaalam ko sa kanya lahat!--".
BINABASA MO ANG
Still Into You (COMPLETED)
टीन फिक्शनNaisipan ni Sabrina ang maglayas sa tulong ng kanyang kapatid sa rason na ayaw niyang maikasal sa taong hindi niya gusto . Pero paano kung mapupunta siya kay Ren bilang P.A.? Na isang sikat na artista na Renzo De Vera na matagal niya ng gusto? Ang s...
