PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤
CHRISTILITA❤
__________________________________
MATUWID na nakatayo si Sabrina sa loob ng office ni Marky ang kaibigan ng kuya niya, tinulongan siya ng kuya niya kagabi na makaalis sa bahay nila nang makarating sila sa kalsada malayo sa kanila ay agad na tinawagan ang kaibigan niya para ito na ang bahala sa kanya. Hinatid siya nito sa isang condo na sa pagkakaalam niya ay pagmamay-ari ng mga De Vera doon siya mag-e-stay kung saan malayo sa pamilya niya, nangako naman ang kuya niya na ito na ang bahala pagnakalayas siya, magpapadala ng allowance ang kuya niya para masuportahan siya hindi niya magamit ang mga cards para di malaman ng ama niya.
Syempre ayaw niyang maging pabigat sa kuya niya napag-isipan niyang humingi ng tulong kay Marky na kaibigan ng kuya Nathan niya, kaya nakatayo siya ngayon sa harapan nito para humingi ng tulong.
At hindi siya makapaniwala at hindi niya inaasahan na kaharap na niya ngayon ang Manager ni Ren si Mark Austin Quinto na kaibigan ng kuya niya na parang bakla kung magsalita kaya imbes na Mark ay Marky ang itatawag ng iba pero kung pumorma lalo na sa pagsusuot ng damit ay napaka professional, lalaking lalake.
Unang kita nila kagabi ay hindi niya ito namukhaan dahil naka-mask ito pero ang di niya talaga inaasahan na magiging P.A. siya sa isang sikat na artista sa boung bansa ang kinababaliwan ng mga tao ang pinaka talented na artista na nakilala niya si Renzo Yap. De Vera o mas kilalang Ren De Vera.
" Sabrina Vlyn Montano? 18?" Taas kilay na tanong sa kanya ng manager.
" Yes po!" Masayang sagot naman niya.
" Okay so pupunta mamaya si Ren dito kaya maghanda kana."
" Yes po sir no ma'am?!" Napakamot nalang siya sa ulo niya dahil hindi naman niya alam kung sir ba o ma'am ang itawag nito.
" Just call me Marky and today kana mag-start sa work so buy me a coffee"
" Noted po "
"Sabrina tutulongan ka namin pero pagnalaman nila na nandito ka..wala kaming magagawa.."tumango naman siya bilang sagot alam nito ang katutuhanan.
Lalabas na siya ng opisina nang may nakaunang bumukas nito at napatulala naman siya sa nakita at nilampasan lang siya nito.
Nilingon niya naman ito pero nakatalikod na ito at nakaupo sa sofa at nakatingin kay Marky.
Si Ren!
" So nasaan na ang P.A.?"
Walang ganang tanong ni Ren sa Manager niya." Nasa gilid mo" tipid na sagot ni Marky
Nilingon naman siya ni Ren at parang nag s-slow motion ang lahat nang dahan-dahang nakatingin sa kanya si Ren. Napangiti nalang siya sa saya na nararamdaman niya for the first time nakita na siya at nakatingin pa sa kanya!.
Tinitigan naman siya ng masama nito sa hindi alam na dahilan.
" That girl?" Walang emosyon na reklamo at nakatingin na kay Marky. Tumango naman sa kanya si Marky bilang sagot nito.
Lumapit naman sa kanya si Marky at nagsalita.
" This is... Sabrina Vlyn Montano your new Personal Assistant ".
Agad namang tumayo si Ren papunta sa kanya .
" Not nice to see you." At nilampasan siya nito..peke naman siyang napangiti para hindi halata ang hiya sa boung mukha niya. Nabigla siya bakit kaya siya sinamangutan ni baby Ren niya? Pero mabait ito at alam niya kahit hindi pa sila nagkakilala noon.
BINABASA MO ANG
Still Into You (COMPLETED)
Подростковая литератураNaisipan ni Sabrina ang maglayas sa tulong ng kanyang kapatid sa rason na ayaw niyang maikasal sa taong hindi niya gusto . Pero paano kung mapupunta siya kay Ren bilang P.A.? Na isang sikat na artista na Renzo De Vera na matagal niya ng gusto? Ang s...