PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤
CHRISTILITA❤
__________________________________
"WHAT?"
"Alam kong magagalit ka sakin Sabby..dahil pinipilit ko ang sarili kay Ren..nagbago lahat simula nung dumating ka.."
"Bakit mo ginawa yon sa kanya..alam mo ba na nakakasakit ka ng tao?"naiinis na tanong niya.
Napakagat naman ito ng labi sa kanya.
"Nasaktan ko si Ren..ako ang may kasalanan ng lahat..lahat.."umiiyak na sagot ni Lexza sa kanya.
Bumukas naman ang elevator at sabay pa silang lumabas.
"Hindi ko alam na dito karin pala na floor."mahinang usal nito sa kanya samantalang siya ay nakatingin lang dito.
"Anong ibig mong sabihin kay Ren?"tanong niya.
"Ginamit ko ang nararamdaman niya noon..nagpadala ako sa kasikatan ko..hindi ko siya minahal..dahil P.A. ko ang boyfriend ko...Nung naging kayo ni Ren ay biglang naramdaman ko ang pagiging laos..s-si Ren kasi ang nagdadala sa kasikatan ko."nahihiyang usal nito at napa-iwas sa kanya "Pumunta ako sa condo niya noon...para makiusap na ako ang mahalin niya..inamin niya saki--"
"Inamin niya sayo na mahal ka niya?"patigil niya dito na ikinagulat naman nito.
"Y-yes..sa panahon na wala kapa..sa panahon na hindi kapa dumating bilang P.A...nang malaman niya na nasa London kami ng P.A. ko ay nagbago siya at doon nagsimula na kalimutan niya ako.."tigil nito at pinahid ang sariling mga luha "Doon ko na realized kung gaano ko pinakawalan ang isang lalaki na minamahal akong buo...pero hindi na siya sakin..kasi kayo na..nagmakaawa ako sa kanya nung gabing yon..pero ikaw ang mahal niya Sabrina.."
"Hindi kita maiintindihan?"
"Alam ko na nasa condo ka ni Ren sa panahon na yon..k-kaya sinadya ko ang lahat na sinasabi ko para narin maisalba ang career ko at mapabalik sakin si Ren "natigilan siya sa sinabi nito "at galit si Ren sakin kung bakit pumasok pa ako don..nalaman niya rin sa gabing iyon na ginamit ko siya.."
Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito ngayon sa kanya.
"Papano nangyari yon?."nasasaktang tanong niya.
"Minahal ko siya Sabrina..pero alam kong mali lahat...marami na akong kasinungalingang nagawa kay Ren..at nung gabing yon..Ikaw ang pinili niya.."paliwang pa nito.
"Pero sinabi niya na mahal ka niya..m-mahal na mahal.."paninigurado niya sigurado siya sa lahat na narinig niya.
Napatawa naman ito ng peke.
"Sabrina..umalis ka kasi agad non..kahit hindi pa tapos ang sinasabi ni Ren."
"A-ano?"kinakabahang tanong niya dito.
"N-naalala ko pa kung paano niya ako sinabihan non..sabi niya 'Mahal na Mahal kita Lexza..pero dati yon..iba na ngayon si Sabrina na ang buhay at mundo ko.' Yon yong sinabi ni Ren sakin Sabrina na hindi mo pinakinggan."nagsisising paliwanag nito sa kanya.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan niya, nagsimulang tumulo ang mga luha niya sa mga nalalaman niya mula kay Lexza.
Hindi niya na alam kung anong maipapakita niyang mukha para kay Ren, nasabihan niya na ito ng masasamang salita at kasalanan niya ang lahat hindi kay Ren.
Napatakip siya sa bibig at unti-unting napaupo sa sahig.
"Sabrina..Im sorry kung nagawa ko yon sa inyo.."napatingin siya dito na ngayon ay nakaluhod sa kanya na umiiyak "matagal ko ng pinagsisihan ang lahat Sabrina..h-hindi ko alam na aabot sa ganito ang lahat..hindi ko inakala na kayang isakripisyo ni Ren ang career niya para sayo..k-kasi ang akala niya..humiwalay siya sayo dahil nawawalang na siya ng oras sayo..na hindi mo na kayang hintayin siya..."umiling siya dito bilang sagot "A-alam ko Sabrina..alam ko..hindi ko inaakala na maging ganon kaseryuso si Ren sayo..na kaya niyang gawin lahat para sayo..Im sorry Sabrina..sorry..sorry..sorry."humagul-gol na iyak nito at sinseridad na sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Still Into You (COMPLETED)
Teen FictionNaisipan ni Sabrina ang maglayas sa tulong ng kanyang kapatid sa rason na ayaw niyang maikasal sa taong hindi niya gusto . Pero paano kung mapupunta siya kay Ren bilang P.A.? Na isang sikat na artista na Renzo De Vera na matagal niya ng gusto? Ang s...