CHAPTER 7

773 20 0
                                        

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW❤

CHRISTILITA❤

__________________________________

HALOS isang linggo ng di pumasok si Sabrina sabi sa kanya ni Mark na binabantayan ni Ren si Lexza at wala munang project na tinatanggap sila ngayon dahil alalang alala parin sila kay Lexza.

Naalala niya rin ang pinagsasabi ni Lexza sa kanya sa party parang galit ito kung magsalita sa kanya, pamilyar rin sa kanya ang pinagsasabi nito pero kung sino at ano man ang nagawa niya tiyak namang di niya sinasadya at nagsosorry rin siya.

Balita niya ay nakalabas na ito ng hospital, pinayuhan rin siya nito na wag munang magpakita sa kanila baka mainis na naman sa kanya si Ren, nag-alala naman sa kanya si Mark dahil ito lang ang makakapitan niya ngayon kahit bossy.

Kumalat rin ang balita sa nangyari kay Lexza kaya wala muna itong project na inasikaso. Sabi ni Mark sa kanya naging malala raw ang naging allergy ni Lexza sa pagkain hindi lang rashes ang natamo kundi pati narin sa internal nito.

Mabuti nalang at may tao siyang nakausap sa Park, naramdaman niyang mabait ito kaya mabilis silang naging magkaibigan kahit papano ay may kaibigan siyang stranger at maganda kung magkwekwento ka nalang sa stranger kesa kakilala mo.

Nagising si Sabrina sa panay vibrate ng phone dali niya namang tinignan kung sino at si Mark nga magtratrabaho na siya sa susunod na araw, kinakabahan naman siyang makita si Ren at the same time naiinis narin.

Matapos niyang ayusan ang sarili ay pumunta siya sa kitchen at napabuntong hininga nalang siya nang wala na palang laman ang ref niya nagugutom pa naman siya.

Napag-isipan niyang sa labas siya kumain at mamili na rin ng mga kakailanganin sa condo niya.

First time niyang mamili ng mga goods mag-isa, dati kasi mga katulong lang nila ang gumagawa sa lahat.

Kaya ngayon tuloy ay nagmumukha siyang ignorante sa lahat ng makikita niya kahit mga sarsa ka pagluluto di niya alam kaya nagpatulong nalang siya kay google at natagalan pa siya sa paglilista sa mga dapat bibilhin. 

Simpleng fitted jeans at big size shirt lang at sapatos lang ayos na sa kanya at di mawawala ang makapal na eyeglasses. Di naman as in malabo ang mata niya pero nasanay na siyang maglagay, nasa loob na siya ng elevator napaisip naman siya kung gaano kalaki ang paligid na kahit kailan ay di niya magawang puntahan noon at ngayon ay makakaya na niya ng mag-isa.

Nagtungo muna siya sa isang restaurant kung saan madalas kainan nila ng pamilya nila, wala na siyang ibang nalalaman na restaurant bukod dito.

Agad siyang pumili sa menu nang may narinig siya na pamilyar na boses papalapit sa table niya, nanigas naman siya sa kinauupuan niya agad niyang binaba ang menu at di parin nilingon ang likuran niya.

Nagmamadali siyang pumasok sa rest room ramdam na naman niya ang kaba at takot, nanginginig ang boung katawan niya.







PALABAS na si Ren sa isang restaurant sabay silang kumain ni Lexza and masaya siya na makasama ito kahit busy ito ay nabibigyan parin siya ng oras, syempre sout parin nila ang mga disguise pag lumalabas.

"Ren dito nalang ako "

"Ha? Ihahatid na kita"

"No Ren ayos lang ako..so mauna na ako?"

"Sige...basta mag-iingat ka pauwi."

"Bye Ren"tumango nalang siya at pinagmasdan itong naglakad paalis napangiti naman siyang maayos na ang lagay ni Lexza, allergy lang naman pala kaya nagkaganon siya pero malala ang naging dulot nito.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon