Chapter Seven
Rest
Francine Kae's P.O.V
"Combien ça coûte?"{How much is this?}
Napairap ako dahil sa tanong ni Sha.
"Sha,nasa pilipinas tayo."paalala ko kaya napakamot siya sa batok niya.
"Sorry naman!Pero Miss,magkano po?" Tanong ni Sha doon sa saleslady dito sa loob ng Forever 21.
Nandito kami ngayon sa mall at hindi ko alam kung paano kami nakapasok ng nakauniform kami nina Esther at Krystal.
Hinila nalang kasi ako palabas ng school nina Krystal at Shaina kaya di ko talaga alam kung anong nangyayari.
Yun pala ay maggagala lang kami dito.Tas' di ko rin alam na kasama pala namin ni Esther.Psh.
"674 pesos po."sagot nung saleslady kaya nanlaki ang mga mata ko.
674 pesos sa off-shoulder dress na yun?!Sa ukay ukay nalang!20 pesos pa!
Pero di rin ako nabili don.
"I'll get this."sabi ni Sha bago niya ilagay ang dress na napili sa pangatlong cart niya.
Spoiled brat!
"Kae!!!"napatingin ako kay Krystal na ngayon ay nagniningning ang mga matang tumatakbo palapit sakin habang may dalang spaghetti strap black fitted dress.
Mukhang alam ko na ito.
"This is so perfect for me!This look so sexy!Sabi ni Sha pupunta daw tayo sa isang party later kaya tayo bumibiling ng mga damit ngayon!You should buy too,Kae!Pati ikaw,Kurt!Huwag kayong KJ!"sabi ni Krystal bago niya ilagay yung dress sa cart niya.
Daming sinasabi,gusto lang naman bumili!
But wait.
"Sha,ano yung sinasabi ni Krystal na pupunta tayo sa isang party?"tanong ko kay Sha kaya sinagot niya agad ako.
"Welcome party ko,Kae.I just came from France,remember?"tanong niya kaya agad akong tumango.
Pero hindi ako pwedeng pumunta.Ayoko.
"Sha,hindi ako pwede.May trabaho ako."sabi ko kaya napabaling siya sakin ng nakakunot ang noo.
"What?Anong trabaho?Hindi ka parin ba bumabalik sa inyo?"kunot noong tanong sakin ni Sha.
"Ayoko ng bumalik don."nagiwas ako ng tingin sa kanya ng sabihin ko iyon.
Ayoko don.Makikita ko lang si Gloria.
"Kae."tawag sakin ni Sha kaya umiling ako.
Ayoko na talagang bumalik doon.Maaalala ko lang si Mommy.
---*
"Mommy...mommy...My!Please..."naiyak kong tinatawag si Mommy pero hindi siya nasagot.
May nakita akong anino ng isang taong palapit sakin kaya dali dali akong sumigaw.
"Mommy?!"tawag ko ulit sakanya pero imbis na siya ang makita ko.Isang lalaking nakasuot ng itim na maskara ang nakita kong papalapit sa akin na may hawak na baril na nakatutok sa akin.
"No!No!No!"sigaw ko pero parang wala siyang naririnig at patuloy lang sa paglapit sa akin kaya pumikit nalang ako.
"Mommy!"sigaw ko pagkadilat ko.
Tiningnan ko ang paligid ko at nakita kong nasa ibang lugar na ako.Nasa loob na ako ng sasakyan.
Nang ilibot ko ang paningin ko ay napagtanto kong nakatulog lang pala ako.
BINABASA MO ANG
Worst Section (High School Series#1)
Romance[High School Series #1] All his life, he's been trying to please her yet it's still not enough because all she wanted was for her father to love her again after her mother died. She was trying to get rid of all the things that can remind her of her...