Chapter 28
Save
Kae's P.O.V.
Maayos kong inilagay ang mga nakatiklop na aking mga damit sa aking pwesto sa loob ng cabinet na gagamitin namin sa loob ng tatlong araw bago ilagay ang aking maleta sa tabi nito. Ang aking kasama na si Jasmine, Krystal at Faye ay ginaya ang aking ginawa.
Sa isang kwarto ay may dalawang double deck bed at dalawang cabinet. Si Krystal ang kasalo ko sa cabinet habang sina Faye at Jasmine naman sa kabila. Napili ko ang nasa kanang bahaging double deck bed na siyang pinili rin ni Krystal. Ako sa baba, siya sa itaas.
I took a purple spaghetti strap shirt and white one off-shoulder t-shirt that I will tuck inside my maong shorts before entering the small bathroom inside our room. I fastly took a half-bath before wearing my clothes as Faye knocked on the door so she could take a shower too.
Nagsusuklay ako ng buhok nang may kumatok sa pintuan namin na siyang mabilis na binuksan ni Krystal. Bumungad ang pagmumukha nina Zechariah at Esther pagbukas ni Krystal ng pinto na siyang ikinasinghap ni Jas.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagsusuklay habang nakaupo sa aking kama. It was comfortable which making me wants to sleep. Damn it.
"May activity raw." Sambit ni Zech habang pinapalibutan ng tingin ang aming silid. "Sana all may aircon."
"Why? Wala bang aircon sa inyo?" Tanong ni Jas habang tinatali ang kaniyang buhok.
"Meron. Sira nga lang." Zech answered before rolling his eyes. "Amputa. First time daw masira 'yung aircon dito sa resort na 'to pero bakit feeling ko sinadya nilang doon kami ilagay? Putangina."
"What do you mean by that?" Esther asked as her crossed his arms over his chest.
"Duh. Worst section tayo!" Sabi ni Krystal bago iritadong hawiin ang kaniyang buhok. "Worst section, worst treatment."
"Indeed, worst." I said as I wore my purple ribbon tie on my head.
Hinintay naming matapos si Faye bago kami sabay sabay na lumabas ng hotel room para makapunta sa covered area kung saan gaganapin ang event. Ganito kami every year. Every camping will be held inside a beach resort in three days. There will be a lot of physical activities so our muscles' strength will be improve and also so we can enjoy and relax as a students.
Mabilis kaming lumapit kayla Levi na siyang kumakain ng ice cream in cone at ice cream sandwich. Tanging sina Levi at Erick lamang ang walang kinakain.
"Kumpleto na tayo." Sambit ni Levi pagkatapos niya kaming bilangin lahat.
"Share mo lang." Sambit ni Jeremy.
"Walang nagtatanong, Leviticus." Sambit ni Garry.
"Oo, share ko lang at wala akong pake' kung walang nagtatanong." Sambit ni Levi bago hampasin sa ulo sina Garry at Jeremy na tinawanan lamang siya.
"Brighters,"
Napatigil sila sa pagkukulitin nang magsalita si Miss Abundo na siyang head ng high school department sa unahan. May hawak hawak siyang megaphone habang nakasuot ng dark yellow polo t-shirt na may logo ng Bright Academy's faculties sa may bandang kaliwa ng kaniyang dibdib. Ganoon rin ang suot suot ng ibang teachers na nasa unahan namin.
"Kumpleto na ba tayo?" Tanong ni Miss Abundo na sinagot agad nila. Hindi kami kasali.
Pakialam namin sa kaniya?
BINABASA MO ANG
Worst Section (High School Series#1)
Romance[High School Series #1] All his life, he's been trying to please her yet it's still not enough because all she wanted was for her father to love her again after her mother died. She was trying to get rid of all the things that can remind her of her...