[I suggest to play this song while reading this chapter.]
Chapter 44
Leave
-----
"Are you out of your mind?! Why would you rather live there instead of here?! Yes, I get it that's not safe here in the Philippines anymore! But why did you do that?!"
Hindi ko pinansin si Kim at ipinagpatuloy na lamang ang pagiimpake ng aking mga gamit sa tatlong bagahe na ibinigay sa akin ni Daddy. Wala nang makakapagpabago ng desisyon ko. Aalis ako at hindi na muling babalik.
"You can live here if you want," I said as I zipped my luggage.
I walked towards my vanity table and took my most used makeup before putting it inside my vanity bag. There was still leftover makeups, but I didn't even bother to take it since I can buy new ones in France.
"But I want to live with you!" Kim yelled.
"Then come with me." I simply said.
Hinila ko ang aking mga maleta palabas ng aking walk-in closet bago ito itabi sa mga walang lamang kahon malapit sa may pintuan.
Pagkasabi ko kay Daddy kaninang madaling araw na gusto kong tumira sa France simula ngayon ay agad agad niyang inasikaso ang mga dokyumentong kakailanganin ko sa pagalis ko. Inayos na rin ni Daddy ang titirhan namin doon sa pamamagitan nang pagsabi kayla Auntie Lennie at Uncle Lenton na titirha na ako roon mula ngayon.
Inayos na rin ni Daddy ang mga dokyumento mula sa Bright Academy upang mas mapadali ang paghahanap ko ng unibersidad na pagaaralan ko sa France. Dahil isang buwan lang naman ang ibinigay kay Kim na palugid ng eskuwelahan niya upang magbakasyon rito ay kakailanganin niya na ring bumalik ngunit kung ayaw niya nang bumalik roon ay maaari naman siyang humingi ng tulong mula kay Grandy na sigurado akong matutuwa pa sa pagtulong sa kaniya.
"How about your friends here?! Si Kurt?!" Desperadang tanong sa akin ni Kim.
Tumigil ako sa aking ginagawa at hinarap ang aking kapatid. Ang mukha niya ay gusot na dahil sa hindi niya malamang gagawi upang mapigilan lamang ako sa pagalis ngunit gaya nga nang sinabi ko kanina. Wala nang makakapigil sa'kin.
"Nasabihan ko na sila." Pagsisinungaling ko.
"And they agreed?!" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Oo." Sagot ko bago magiwas ng tingin sa kaniya.
Tumalikod na ako sa kaniya at sinimulan nang ayusin ang mga gamit na ilalagay ko sa mga kahong nasa loob ng aking silid. Napapikit ako ng mariin nang marinig ang padabog na paglabas ni Kim ng kwarto ko.
"I am not believing you." Mariin niyang ani bago lumabas.
Then don't.
Hindi ko kailangan ng mga taong maniniwala sa akin. Ang kailangan ko lang ay ang mga taong mananatili sa aking tabi.
Ilang oras ang inabot ko bago ako matapos sa pagiimpake. Mabuti na lamang ay pagabi ako aalis. Kung papayag at kung gugustuhin ni Kim ay kasama rin siya sa pagalis ko mamaya.
Bawal umalis ng bansa si Daddy dahil sa trabaho niya sa Bright Academy. Ganoon rin si Gloria dahil sa kaniyang trabaho na hindi ko na inalam. Wala naman kasi akong pakialam sa kaniya.
Pagkatapos magpahinga dahil sa pagod ay mabilis akong naligo at nagbihis dahil malapit na ang oras nang pagalis ko. Habang nagbibihis ay narinig ko ang sunod sunod na pagkatok sa aking silid na siyang dahilan upang mapabuntong hininga ako.
BINABASA MO ANG
Worst Section (High School Series#1)
Romance[High School Series #1] All his life, he's been trying to please her yet it's still not enough because all she wanted was for her father to love her again after her mother died. She was trying to get rid of all the things that can remind her of her...