Chapter 50

54 4 0
                                    

Chapter 50

Thought

Third Person's P. O. V.


Kae stared at her reflection at the mirror that placed on the wall of the comfort room inside the Sunrise Cafè. She gripped the edge of the countertop tightly as she tried to calm herself down.


She closed her eyes and exhaled heavily while still calming herself. When she calmed down, she opened her eyes and stared at her reflection again.


"It's okay, Kae. It's okay." She said to herself. "They were your classmates before. Calm down."


Earlier, when she calmed down infront of her classmates, Jorge suggested that they should call their other high school classmates since Kae was there with them. No one rejected it so Levi, the high school president of section C Hope, sent a messages to their classmates.


Because of that, Kae felt nervous. She was not yet ready to face them nor to talk to them. Yes, she already saw Krystal and Kurt last night, but it was just too short. Short of time. She needs to calm herself down that's why she excused herself and went to the comfort room.


Napabuntong hininga na lamang si Kae nang marinig na niya mula sa banyo ang sunod sunod na pag-dating ng mga dating kaklase. Mabilis ang mga itong nakarating sa lugar dahil wala naman silang masyadong ginagawa ngunit ang iba ay nagaaral pa rin para sa trabahong gusto nila.


Naghilamos si Kae ng mukha bago gamitin ang tuwalyang nakalagay sa kaniyang arm bag. Naglagay siya ng panibagong makeup sa kaniyang mukha bago magpabango. Inayos niya rin ang nagulo niyang buhok dahil sa paghihilahan nila kanina ni Erick.


Nanginginig ang mga kamay na naglakad patungo si Kae sa pintuan ng banyo upang lumabas nang marinig niya ang usapan ng kaniyang mga dating kaklase. Rinig niya ang mga ito dahil hindi kalayuan ang nilipatan nilang mesa sa banyo.


"Bakit ko naman gugustuhing makausap 'yon?! Iniwan niya tayo nung mga panahon na naghihirap tayo, ah?!" Rinig niyang galit na ani Carylle.


"Kumalma ka nga! Kaya nga namin kayo pinapunta dito para malaman natin 'yung rason niya, 'di ba?! At isa pa, sinabi naman ng tatay niya na delikado 'yung buhay nilang magkapatid dito sa Pilipinas, e!" Saad ni Jorge.


"Wala akong pakialam! Wala naman siyang alam sa nangyari satin, e! Tangunin niyo siya kung alam niya 'yung nangyari!" Ani Carylle.


"Pwede bang kumalma ka?" Kalmado ngunit may bahid na inis ang tono nang pananalita ni Kurt.


"Ipagtatanggol mo pa! Lagi mo na lang pinagtatanggol 'yang si Kae, e, iniwan nga tayo niyan!" Galit na sambit ni Garry.


"Kumalma nga kayo! Ano ba kayo?! Mga high school pa rin?! Grabe, ha! Sampung taon na 'yung lumipas, hindi pa rin kayo nakaka-move on sa issue na 'yan?! Mga isip bata!" Iritadong saad ni Erick.


"Anong isip bata?! Ikaw ang hindi marunong magisip! Tingnan mo nga nagkaanak ka ng maaga tapos hindi mo kayang palamunin! Bobo!" Galit na singhal ni Carylle.


"Putang--!"


"Tumigil nga kayo!" Awat ni Levi.


Napapikit si Kae habang nakasandal ang kaniyang sentido sa pintuan ng banyo dahil sa kaniyang narinig. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya dahil wala naman siyang alam sa nangyari. Gusto niyang lumabas at humingi ng tawad ngunit base sa boses ng kaniyang mga dating kaklase ay mukhang sarado ang mga isip ng mga ito.


Worst Section (High School Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon