Chapter 52
Out
Psalm's P. O. V.
Kumunot ang noo ko nang makitang mabilis na naglibot ang tatlong mga pulis sa loob ng aming silid. Nakaupo na kami ngayon dahil senenyasan na kami ni Tito Lito.
Ano ba 'yung hinanap nila? Mag-mumukha lang silang tanga kapag hindi nila nahanap 'yon dahil wala naman dito.
"May nakita ba kayong gamit na may ganitong simbolo?" Tanong noong isang pulis kasabay nang pagpakita sa amin ng isang larawan.
Kumunot ang aking noo nang makita ang larawan na kaniyang ipinapakita. Itim na paniki iyon na nakapwesto sa itim na bilog. Ang salitang 'Aproteles' ay nakasulat sa linya ng bilog na kinaroroonan ng itim na paniki. Ang kakaiba rito, ang paniki ay may itim na itim na mga mata.
Dapat black na lang 'yung pangalan niyan, e. Puro itim 'yung nakikita ko. Parang engot lang.
"Ito po ba 'yan?"
Napabaling kami kay Jamica nang bigla na lamang siyang tumayo. Naglakad siya palapit sa pulis na nasa unahan habang may dala dalang isanh hikaw. Ipinakita niya ito sa police officer at ganoon na lamang ang pagtataka ko nang senyasan ng pulis ang kaniyang mga kasama na siyang dahilan upang halughugin ng mga ito ang aming mga gamit.
"What's happening?!" Malakas na tanong ni Jasmine nang makita ang pagbukas ng pulis sa kaniyang bag. "Don't touch my bag! It's limited edition!"
"Sir, hindi po sa'kin 'yang bag. Dahan dahan lang po sa pag-bukas." Ani Jeremy habang pinapanood ang pulis na halungkatin ang bag niya.
Kunot na kunot ang aking noo habang walang sali-salita sa pag-hahalungkat ang mga pulis sa aming mga gamit. Hindi pa sila nasiyahan roon dahil may dumating pang limang mga pulis upang tumulong.
Pinalabas kami ng mga pulis kaya naman wala kaming magawa kung hindi ang lumabas. Si Tito Lito ay nanatili sa loob ng classroom kasama ng madilim niyang mukha. Galit na galit ito kaya naman hindi na namin siya magawang batiin pa.
"Grabe talaga! Mga kriminal na pala kayo ngayon?" Hindi makapaniwalang tanong sa amin ni Minty habang naka-krus ang kaniyang braso sa tabi ng kaniyang boyfriend na ubod ng panget. Sarap lang sakalin. Promise.
"Grabe? Chismosa ka talaga!" Balik sa kaniya ni Janella.
"OMG! One of the criminals is speaking!" Nanlalaki ang mga matang ani Scarlett.
Pinigilan ko na lamang sina Sunshine na magsalita dahil alam kong hindi matatapos ang 'yan. Ako pa ba? E, lagi kong nakakasama 'yang si Scarlett de kulay sa bahay. Rinding rindi na nga ako, e. Kung bakit ba naman naisilang pa siya sa mundo.
Rinig na rinig namin ang bulungan ng mga tao sa paligid namin. Estudyante man o guro ay nakikitingin sa amin. Mabuti na lamang ay pinapasok si Tito Lito ang mga estudyante sa kanilang mga silid kaya naman nawala na ang mga maiingay.
Ano ba talaga 'yung hinahanap nila?
Binalingan ko si Jamica at naabutan siyang nakatulala sa isang tabi. Wala na sa kamay niya iyong hikaw na ipinakita niya dahil kinuha na iyon noong pulis. Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat na siyang dahilan upang mapatalon ang kaniyang mga balikat dahil sa gulat.
"B-Bakit?" Nauutal na tanong niya sa'kin.
My eyebrows furrowed as I surveyed her. She looked nervous like she was being caught with something. Please, tell me that my thoughts are all wrong.
BINABASA MO ANG
Worst Section (High School Series#1)
Romance[High School Series #1] All his life, he's been trying to please her yet it's still not enough because all she wanted was for her father to love her again after her mother died. She was trying to get rid of all the things that can remind her of her...