Chapter 53
Clean
Jeremiah's P. O. V.
Hinilot ko ang aking sentido habang nakayuko sa aking lamesa. Tangina naman. Bakit ba nangyayari sa amin 'to? Hindi kami mga kriminal!
"'Yan na ang mga kriminal! Siguraduhin niyong nakatago mga gamit niyo dahil baka mawala na lang 'yan ng bigla!"
"Drop out na dapat 'yan mga 'yan, e. Bakit ba nandito pa sila? Kadiri naman!"
"Eww! Ang sasama talaga ng mga ugali nila!"
"Worst section nga!"
Napabuntong hininga na lamang ako at pinatiling tahimik ang sarili habang nakasunod ako sa mga kaklase kong pigil na pigil sa pagsugod sa mga estudyanteng kung ano ano ang mga pinagsasabi sa amin.
Binilisan namin ang paglalakad patungo sa aming silid-aralan upang hindi na namin marinig ang mga nakakadiring bulungan. Wala naman silang mga alam pero kung makapang-husga akala mo mga perpekto.
Oo, tahimik kami at walang sinasabi tungkol sa mga sinasabi nila pero hindi ibig sabihin no'n wala na kaming nararamdaman. Tahimik kami dahil ayaw naming lumaki 'yung gulo pero kung hindi sila titigil, ipapakita namin ang dahilan kung bakit kami natawag na worst section.
Worst section pala kami, e. E 'di, panindigan.
"Ayaw pa rin." Iling ni Levi habang pinapakita ang kaniyang cellphone.
"Bakit ba ayaw niyang sumagot?" Iritadong tanong ni Garry.
"Pumunta na tayo sa bahay nila pero wala rin siya doon. Kahit ang tatay niya." Ani Kurt.
Walang araw na hindi kami pumupunta sa bahay nina Jamica. Walang araw na hindi namin tatawagan ang numero ni Jamica pero walang nasagot. Hanggang ngayon.
Dalawang linggo na nang mag-drop out si Psalm. Sinabi niya sa amin na nag-transfer siya sa Cohen Academy kung saan libre ang pananatili sa mga dorm. Lumayas na rin kasi siya sa bahay nila.
Hindi naman naputol ang kumonikasyon namin kay Psalm na araw araw na tumatawag upang kumustahin ang kasong sa amin pinaparatang. Hindi ko talaga maintindihan kung paano nagkaroon ng kwintas na may paniki sa loob ng classroom namin. Wala akong maintindihan.
Napabuntong hininga na lamang ako habang nakatanaw sa malayo mula rito sa aking upuan sa loob ng silid namin. Paano namin malilinis ang mga pangalan namin?
Hindi namin kayang maging kriminal. Sigurado ako doon dahil nagusap usap na kaming lahat maliban kay Kae at Jamica.
Kae. Malaki ang galit ng mga kaklase namin sa kaniya dahil sa pag-alis niya. Noong una ay naiintindihan pa nila pero ngayon, hindi na. Hindi ko rin naman sila magawang masisi dahil nahihirapan na sila ngayon. Sino ba naman ang hindi? Pinapahirapan nila kami dito sa school kahit wala naman kaming mga kasalanan.
"Tangina talaga! Ayoko na! Suko na 'ko!" Malakas na sigaw ni Carylle nang pumasok siya sa classroom namin.
Magulo ang buhok niya na para bang sinabunutan. Ang pagkakabutones ng uniform niya ay bahagyang nakabukas na siyang dahilan upang makita ang puti niyang sando. May mga kalmot rin ang kaniyang mukha hanggang leeg pati na rin ang kaniyang kamay na nakakuyom.
"Anong nangyari?" Kunot noong tanong ni Levi sa kaniya.
"Inabangan ako no'ng mga may galit sa akin na grade 10 sa labas ng school! Puta! Pinagtulungan nila akong lahat!" Gigil na kwento ni Carylle.
BINABASA MO ANG
Worst Section (High School Series#1)
Romansa[High School Series #1] All his life, he's been trying to please her yet it's still not enough because all she wanted was for her father to love her again after her mother died. She was trying to get rid of all the things that can remind her of her...