[I suggest to play this song while reading this chapter.]
Chapter 43
Live
-----
Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa pagkakaupo ko sa loob ng tricycle at paano ako nakapagbayad ng maayos sa driver habang dinadamdam ang sakit na nararamdaman ko.
Habang naglalakad papasok ng mansion ay ramdam ko ang pagsunod ng mga mata sa akin ng mga kasambahay at guwardiya. Tila'y nagtataka kung bakit ako naiyak ngunit walang sino man ang naglakas loob upang magtanong.
Nakayuko ako habang mabilis na naglalakad patungo sa hagdanan nang may bigla na lamang pumigil sa aking sa pamamagitan nang paghawak sa aking braso. Nang balingan ko kung sino ito, nakita ko si Gloria na nagaalalang nakatingin sa akin.
Great. Just great!
"Let go." Malamig at matigas kong utos habang mariing nakatingin sa kaniya.
"Are you okay? What happened?" She asked worriedly.
As if she's really worried about me! Baka nga magpakain pa siya, e!
"That is non of your business." Madiin kong sambit bago hablutin ang aking braso. "Don't touch me again."
Matalim ko siyang binalingan bago halos takbuhin ang direksyon patungo sa aking silid. Alam kong susunod siya sa akin. Igigiit niyang magpapaliwanag siya pero hindi na naman kailangan. Nakita ko na. Tama na 'yon.
Malakas kong sinarhan ang pintuan ng aking silid na siyang nakagawa ng malakas na tunog ngunit hindi ko na iyon pinansin. Taas-baba ang aking dibdib nang maupo ako sa gilid ng aking kama habang walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha.
Naikuyom ko ang aking mga kamao kasabay nang mariin kong pagpikit. Ang aking nasaksihan kanina ay muling bumalik sa aking utak na siyang dahilan upang mapaawang ang aking labi.
Malakas akong napasigaw kasabay nang malakas kong paghagis ng aking backpack sa sahig ng aking silid. Hinihingal kong hinawakan ang aking ulo habang walang tigil sa pagagos ang walang katapusan kong mga luha.
Napasabunot ang dalawa kong kamay sa aking buhok habang ang aking labi ay nanginginig na dahil sa sakit na aking nararamdaman.
"No... No... No..." Umiiyak akong umiiling habang patuloy na sinasabunutan ang aking sariling buhok. "No..."
Napadilat ako at napatigil sa pagsasabunot sa aking sariling buhok nang may maalala. Walang pakialam akong tumayo at mabilis na naglakad palabas ng aking silid.
Hindi ko pinansin ang mga kasambahay na nagulat dahil sa biglaan kong paglabas ng kwarto, at dumiretso na lamang sa paglalakad patungo sa art room.
Nakarinig na ako ng tunog ng kotse na siyang dahilan upang mas bilisan ko ang paglalakad patungo sa art room kung nasaan ang kauna unahan kong pininta matapos ng dalawang taon.
Nang makapasok ay mabilis kong ni-lock ang pintuan at mabilis na tinungo ang canvas na nakapatong sa easel na nakatayo sa gitna ng silid. Nanlalabo ang aking mga mata dahil sa luha nang lapitan ko ito at pinakatitigan.
Kitang kita sa canvas ang mukha ni Esther habang matamis na nakangiti. Ang makakapal niyang kilay. Ang matangos niyang ilong. At ang kaniyang mga labing hindi pa tapos pintahan.
Hinihingal sa galit kong hinablot ang paintbrush kong may itim na pintura bago ito madiing ipininta sa canvas na nasa unahan ko na siyang dahilan upang mawala ang ilang oras kong pinaghirapan.
BINABASA MO ANG
Worst Section (High School Series#1)
Romance[High School Series #1] All his life, he's been trying to please her yet it's still not enough because all she wanted was for her father to love her again after her mother died. She was trying to get rid of all the things that can remind her of her...