[I suggest to play this song while reading this chapter.]
Chapter 30
Pain
-----
Tahimik kaming kumakain at kung may magsasalita man ay agad ring tatahimik dahil sa tensyong nakapalibot sa amin.
Nasa aking tapat sina Krystal na panay ang sulyap sa'kin habang si Esther ay walang imik na kumakain sa aking tabi. Alam ni Esther na ayoko nang pag-usapan iyong nangyari kanina. Alam kong alam rin iyon nina Krystal ngunit hindi nila mapigilan ang pagsulyap sa'kin.
"Here," Sambit ni Esther nang iabot niya sa'kin ang tatlong piraso ng tissue.
Walang imik ko iyong kinuha at ipinunas sa aking labi nang mapagtanto na may rumi ako roon. Pagkatapos kong punasan ang aking labi ay sumimsim ako sa aking Cola na nakalagay sa babasaging baso.
"We will do bonfire later." Levi announced as he scratched his nose awkwardly. "Mag-ready na kayo ng mga sasabihin niyo."
"Amputa naman. Nakapa-corny!" Reklamo ni Psalm habang patuloy na nakain.
"Wala akong masasabi kun'di putangina sa nang-iwan sa'kin." Irap ni Faye.
"Putangina rin sa nang-ghost sa'kin na taga-Aristotle Academy. Putangina mo po." Jamica cursed.
Everynight in our camping, we do bonfire where we will going to confess something that we want. Doon rin maaaring magtanong ang aming mga kaklase kung mayroon man silang gustong malaman.
Kung sa ibang school ay ginagawa nila ito tuwing huling gabi, kami naman ay gabi-gabi. Sa unang gabi ay tanging buong section lamang ang magkakasama sa bonfire. Sa pangalawang gabi ay kasama na ang ibang level at section. Ginawa nila ito upang maglabasan ng sama ng loob ang bawat estudyante sa kapwa estudyante nila.
Noong mga nakaraang taon ay wala akong masyadong natanggap maliban kayla Scarlett na puro pagpaparinig lamang ang mga pinagsasabi sa'ming buong section kaya naman sinagot sila nina Carylle. Wala rin akong masyadong sinabi na siyang inaasahan naman nilang lahat.
Ngayon, aasa na akong maraming magtatanong sa'kin dahil sa nangyari kanina. Alam nilang ayaw ko itong pag-usapan ngunit wala na akong magagawa kapag tinanong na nila ako. Ayokong magsinungaling ngunit ayoko ring magsalita.
Bumalik muna kami sa kaniya kaniya naming mga silid upang magpahinga habang inihahanda ng mga guro ang bonfire ng bawat section. Tabi-tabi lamang kami ngunit sapat na ang layo upang hindi magkarinigan.
Nagpalit ako ng damit upang kapag babalik na kami rito ay diretso higa na ako sa kama. I just wore a simple white spaghetti strap crop top that I partnered with my grey Bench sweatpants. I also tied my hair into a messy bun as I also wore a beige knitted cardigan.
Tanging cellphone ko lamang ang aking dala dala nang sabay kami ni Faye na nagtungo sa bonfire area ng beach resort. Nandoon na ang iba naming mga kaklase na nag-iihaw ng marshmallow na nasa stick habang ang iba ay may hawak hawak na pulang na baso na sa tingin ko ang laman ay softdrinks lamang dahil bawal ang alak sa'min.
Tahimik akong umupo sa maliit na upuan na gawa sa kahoy habang pinagmamasdan ang paligid. Madilim na sa paligid ngunit hindi mo iyon mahahalata dahil sa umaapoy na mga kahoy sa aming mga gitna pati na rin sa mga bombilyang nakasabit sa itim na tali na isinabit sa itaas. Hindi rin ganoong kainit dahil malamig ang simoy ng hangin sa labas. Maririnig mo rin ang pag-alon ng tubig mula sa dagat na malapit lapit sa aming pwesto na siyang dahilan upang guminhawa ang aking pakiramdam.
BINABASA MO ANG
Worst Section (High School Series#1)
Romance[High School Series #1] All his life, he's been trying to please her yet it's still not enough because all she wanted was for her father to love her again after her mother died. She was trying to get rid of all the things that can remind her of her...