[I suggest to play this song while reading this chapter.]
Chapter 29
Him
-----
Tahimik akong nakaupo sa monoblock kung saan kami naka-assign na umupo pagkatapos ng laro. Naudlot ang palaro ng school namin dahil sa nangyaring pagsagip ko sa batang babae kanina. Hindi ko talaga alam kung anong mali sa ginawa kong pagsagip sa bata. Hindi ko maintindihan.
Dapat ko bang hayaan na lang na malunod ang batang babae kanina kahit kaya ko naman siyang iligtas? Dapat ba ay hinayaan ko na lang siya na malunod? Dapat ba ay pinanood ko na lamang siya?
Bakit hindi nila makuha ang aking punto? Bakit sila nagalit sa'kin? Wala naman akong ginawang mali para magalit sila. Walang nangyari sa'kin. Okay ako. Buhay ako. Hindi ako mamamatay sa kahit na anong paraan. Noon ngang may baril ay nabuhay ako, ngayon pa kayang tanging paglangoy lamang sa dagat?
"Dahil sa nangyari kanina ay hindi na po natin itutuloy ang ating palaro para sa araw na 'to. Instead, we will re-arrange your roommates since one of the students complained about their room." Miss Abundo said as she lifted the clipboard. "Also, we would like to thank Miss Francine Kae Santos for saving the little girl earlier. You're such a good person with a good heart! The father of the little kid is very thankful to you."
Hindi ko alam kung ano ang irereaksyon ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi ako natuwa o ano dahil alam kong galit pa rin sa'kin ang mga kaibigan ko dahil sa ginawa kong 'yun. At isa pa, si Miss Abundo ang nagsabi no'n at sinabi niya pang isa akong mabuting tao. It's not so her. Plastik na guro.
I hear my batchmates gossiping about me. They even looked not so surprised because they said it's what I will really be going to do because I'm Francine Kae of Section C Hope. The good girl from the worst section.
Good girl my ass. Absurtide.
Tumayo kami pagkatapos sabihin ang mga bago naming makakasama sa kwarto. Naka-assign pa rin ako sa kwarto kung nasaan kami kanina kaya wala na akong proproblemahin. Si Faye ay kasama ko pa rin sa kwarto kasama ang dalawang grade 10. Syempre bawal magsama ang babae at lalaki sa isang kwarto ngunit magkakatapat lamang ang aming mga kwarto. Monitored naman kami ng mga teacher dahil may ginawa silang paraan upang malaman kung sino sino ang mga papasok sa bawat kwartong kanilang inakupa.
Tahimik at mabilis na iniligpit nina Krystal at Jasmine ang kanilang mga gamit galing sa kwarto bago mabilis na umalis at nagtungo sa kanilang mga kwarto. Si Faye naman ay maingat na inilipat ang kaniyang mga gamit sa pwesto ng mga pinaglagyan ng gamit ni Krystal.
Mas mabuti pang hindi ko sila kasama kaysa maramdaman ko ang mga walang kwenta nilang mga galit. Kanina nang makita nila akong naiyak at marinig ang aking sinabi ay mas lalo silang nagalit.
Hindi na ako nagsalita pagkatapos noon at hindi na sila kinibuan kahit na sinubukan pa nila akong kausapin. Si Esther lamang ang hindi sumubok na kumausap sa'kin sapagka't alam kong alam niyang ayaw ko nang pagusapan iyon. He knows me too well.
"Kumain na ba kayo?" Tanong noong isang babae na grade 10.
BINABASA MO ANG
Worst Section (High School Series#1)
Romance[High School Series #1] All his life, he's been trying to please her yet it's still not enough because all she wanted was for her father to love her again after her mother died. She was trying to get rid of all the things that can remind her of her...