Chapter 10

90 8 3
                                    

Grade 9 Section C Hope Sitting Arrangement! ^^^

Chapter 10

Presentation

Krystal's P.O.V

"Goodluck guys!Goodluck!Lalo na sa unang magprepresent!" Saad ni Jasmine sa aming lahat.

"Bakit ang confident mo,Jas?" Tanong ni Jorge kay Jas na inirapan  lang siya.

"The one who picked the number one goes first." Saad ni Miss Luwayway kahit alam na namin.

"Let's start now." Sabi ni Miss Luwayway kaya tumayo na aang grupo nina Levi.

Sa pagkakaalam ay group 2 sila pero nabunot nila ang number one kaya sila ang mauuna.

Binigay muna nila yung 1/4 sheet of paper kung saan nakalagay ang kanilang mga pangalan.

"I would li---"

"Filipino ang ating paksa,Levi." Nakangiting putol ni Miss Luwayway kay Levi ma tumikhim lang.

Pero nagenglish siya kanina?

"Gusto kong bigyan si Sunshine ng isang magarbong palakpakan dahil sa kaniyang nakakamanghang ideya na siyang nakapagbigay sa amin ng inspirasiyon na magawa ang tulang ito." Pinalakpakan namin si Sunshine na ikinapula niya. "Gusto ring pasalamatan ang aking mga kagrupo dahil sa labis na pagbibigay ng atensiyon upang makagawa kami ng maayos na tula."

Umatras ang ibang kagrupo ni Levi dahilan kung bakit siya na lang ang natira sa gitna.

Oh?Siya magtutula?

Edi wow.

"Ang aming tula ay pinamagatang 'M.U'." Nakangiting saad ni Levi dahilan ng paghiyawan ng mga kaklase namin.Ay!Kasama pala ako.

"Dalawang letrang kinaiinggitan,
Dalawang letrang kinikikiligan,
Na inaakalang mahihigitan,
Ngunit biglang nagiwasan."

Napa-oohhh kami nang marinig ang huling pangungusap.

Napatingin ako kayla Kurt at Kae na seryosong nakikinig lang.

Nakita ako ni Kurt na nakatingin sa kanila kaya ngumisi ako ng nakakaloko na inirapan niya lang bago makinig muli kay Levi.

"Dalawang letrang naranasan
Ng dalawang taong nagiwasan.
Isang taong iniwanan,
At isang taong biglang nangiwan."

Pinalakpakan namin sina Levi pagkatapos nilang magpresent.

Sina Kurt ang sunod kaya todo support si Jas kahit hindi siya pinapansin ni Kurt.

Si Janella ang magtutula sakanila.

"Ang aming tula ay pinamagatang 'Charot'."

Title palang nakakatawa na.

Nang umpisahan ni Janella na basahin ang tula ay halos hindi na ako makahinga sa kakatawa.

Akala ko pa naman matino ang tula nila yun pala hindi!

"Ang taong chumarot
Na aking hinarot
Ay pinagpalit ako sa malapit
Na sobrang pangit.

Hindi ako pangit
Para ipagpalit
Ikaw ang pangit
Kaya ikaw ang ipagpapalit"

Nakangiwing bumalik si Janella sa upuan niya habang ang mga kagrupo niya ay tawa ng tawa including Kurt.

Worst Section (High School Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon