MATURED MATURED HEHEHE
NADITO na ang mga tropa ni Sir Albert, nadito kami sa pool side ng bahay at nag iinuman na. Malapit nang mamaalam ang liwanag, pero ito at kakasimula palang namin dahil kakarating lang ng mga ito.
"So ahm, Kamusta Joyce matagal ka din nawala dito ah. "pag kakamusta sakin ni Alex.
"Walang bago" sabi ko habang umiinom ng alak sa baso ko.
"Nabalitaan namin ang pag babastos sayo ng boss mo sa laundry shop ah" sabi naman ni Alfred.
"Ah matagal na yun kalimutan na natin. Naka sapak naman ako kahit papano" sabi ko na may tawa pa sa huli. Natawa din ang mga to sa sinabi ko.
Lumipas ang oras inom, kain, kwentohan. Paulit ulit lang yan sa lumipas na tatlong oras. Mga hindi pa naman kami masyado lasing.
"Guys guys guys, laro tayo" sabi ni Jana.
"Ano? " sabay sabay naming tanong.
"Truth or dare " nakangiting sabi nito. "Walang Kj huh lahat sasali" sabi nito at nag paikot na ng bote na wala ng laman sa lamesa. Buti nalang at pabilog ang upuan dito sa labas ng bahay sa pool side.
"Ang sa nguso ang tatanungin huh, ang pwetan ang mag tatanong." sabi pa nito habang umiikot ang bote.
Huminto ang nguso kay Alex at kay Sandra ang pwetan nun.
"Truth " sabi ni Alex.
"Truth? May gusto ka ba kay Joyce?" tanong nito na ikinagulat ko at tumingin sa babae.
"Meron pero konti na lang" sabi ni Alex.
Sinilip ko sa tabi ko si Albert na kanina pa tahimik pag tatanungin mo lang sasagot. Ibinalik ko ang tingin sa pag ikot ng bote.
Si Jordan naman ang tatanungin at nasa akin ang pwetan. Dumaan ang ilang minuto ay tumapat ulit kay Alex ang bote.
"Dare kana diba? " tanong ni Sandra dito na nakangisi. Tumango lang ito.
Nakangising lumingon din sakin si Sandra bago sabihin ang ipapagawa. "Mag french kiss kayo ni Joyce. "utos nito kay Alex.
"Very very basic. "sabi ni Alex at lumapit sakin.
Nakangiti ito sakin at umupo sa hita ko.
"Pwede ba? "tanong pa nito. Tumango lang ako, dahil ngayon lang ako hahalik ng babae.
Inilapit na nito ang mga labi namin at sinimulang palalimin. Kinapitan ang mag kabila kong pisngi at itinangad pa ko lalo.
"Hmm" ungol ko ng kagatin nito ang labi ko bago humiwalay.
Nakangiti itong umalis sa ibabaw ko at ako naman ay pinahiran ang bibig ko.
"Good kisser huh" sabi ni Alex na uminom naman ng alak nito.
"Natikman na ba ni Albert yan, huh pare natikman mo na ba si Joyce? " ngising tanong ni Mark na medyo lasing na. Tumingin ako kay Albert at ang dilim ng tingin nito kay Mark kaya pala natahimik. Hindi ito sumagot.
"Ow, Joyce ikaw na truth or dare?" Tanong ni Jordan.
"Dare" matapang na sabi ko at inisang lagok ang nasa baso ko.
"Lap dance kay Albert with kissing his neck. " nakangising sabi nito.
Dahil siguro sa kalasingan ay ginawa ko nga. Tumayo ako sa harap nito at nakatitig lang ito sakin. Nginitian ko ito at umupo sa lap nito. Sinimulang ikaskas ang pang upo ko sa hita nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/226451644-288-k901112.jpg)
BINABASA MO ANG
BOSS (COMPLETED)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT |R-18 Hindi ako mayaman na tao pero pinalaki ako ng nanay ko ng maayos. maginhawa ang buhay namin dahil sa pamilya Del Rio. Lalo na at napakabait ni Ma'am Audrey. Siya ang nag paaral sakin nakapag tapos naman ako pero hindi l...