CHAPTER 15

1.9K 44 0
                                    

ANG BILIS lumipas ng buwan. Limang buwan ko ng hindi nakikita si Joyce. Hindi ko alam kung san siya hahanapin. Nag punta na ko sa palawan sa kanila pero hindi naman daw ito bumalik doon. Nung araw din na pumunta ko ng palawan ay nakita ko si Edward, tinanong ko din ito kung alam kung nasaan ang asawa ko. Pero hindi daw nito alam.

Si Mommy tinanong ko na din pero di rin alam at parang ang sungit nito sakin. Napapansin ko din halos kada buwan ay umaalis ito. Mga isang linggo bago bumalik dito. Ang sabi nito ay may meeting ito. Tinanong ko sa secretary nito kung san nag memeeting si Mommy ang sabi ay kay Mommy ko daw itanong. Hinayaan ko nalang yun, may sariling buhay din naman ang nanay ko.

Sa limang buwan na nag daan puro hanap lang ang ginawa ko kay Joyce minsan nalang ako pumasok dahil doon. Ok lang naman na di ako pumasok araw araw dahil kikita at kikita parin ako. Pero ngayon pinag papatuloy ko parin ang pag hahanap dito pero may mga tauhan na kong nag hahanap dito. Kahit sa lahat ng airport tinanong ko kung may dumating na Joyce kirn M. Del Rio doon ay sasabihin ay wala. Panigurado akong na dito parin yun sa pinas. Ngayon nasa trabaho ako at nag papaka busy lang. Halos hindi na ko sumama sa mga tropa kong mag inom.

"BESH, ang laki na ng tyan mo oh." Sabi ni Badeth, nasa apartmen namin ito ngayon. I mean araw araw naman eh.

"Oo nga eh, malalaman na natin gender niya." Sabi ko at hinimas ang anim na buwan kong tyan.

"Pero, hindi parin halata na buntis ka eh." Sabi nito.

"Oo nga eh." Sabi ko.

" Pero bigat na bigat kana jan." Sabi nito. "Mas malaki pa ang akin pero tatlong buwan palang." Sabi nito.

"HAHAHA sabi nga ni Mama diba nasa lahi namin maliit mag buntis kaya ito. Hindi masyado halata pag nag over size t-shirt ako." Sabi ko at hinimas ang tyan ko.

Dapat kase nung isang buwan pamalalaman pero ayoko pa, kaya ito ngayon nalang. Hinihintay lang namin sila Richard at Edward.

"Ang tagal naman nung dalawa." Sabi ko.

"Wait pa tayo sabi nila malapit na sila." Sabi ni Badeth.

"Kapag nalaman natin gender ng apo ko huh, mamili na tayo." Sabi ni Mommy.

"Opo naman Mommy." Sabi ko.

Ilang minuto pa kami nag hinaty ay salamat naman at dumating na ang dalawa.

"Dumating pa kayo!" Inis na sabi ko.

"Oh, nagagalit na naman si buntis." Sabi ni Richard.

"Galing kaming pareho ng coron kaya natagalan. So let's go?" Sabi at tanong ni Edward.

"Let's go." Sabi ko at dahan dahang tumayo. Inalalayan ako ng dalawang lalaki doon.

"Bigat na bigat ah, baka pag labas ng inaanak ko sobrang lusog, kase matakaw si Mommy niya." Sabi ni Richard at may tawa pa talaga sa huli.

"Tigilan mo ko huh." Sabi ko dito.

Isinuot sakin ni Badeth ang sumbrero at mask.
Bakit may ganto?, Dahil kilala na ko ng mga taong kilala si Albert. Mahirap na at mahanap pa ko nun.

"Ako din pala mag pa check up noh." Sabi ni Badeth. Nakakapit sa siko nito si Edward.

"Oo, kaya tara na." Sabi ni Mama.

Lumabas na kami ng apartment , inilock lang yun ni Mama at nag tungo na kami sa labas. Sumakay kami sa sasakyan na dala nila Edward kanina.

Inalalayan ako ni Richard maka pasok. Nang maka ayos ay tumabi si Mama sakin at si Richard kase ay sa passenger seat naka upo. Si kuya Jon ang driver namin.

BOSS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon