CHAPTER 13

2K 51 1
                                        

NAGISING ako ng 5 na ng umaaga. Dapat ay kanina pa ang alis namin pero na late na nga ako ng gising. Lahat ng gamit namin ay nasa SUV na ,na gagamitin namin papunta sa airport.

"Wala na kayong na iwan?" Tanong ni Mommy.

"Ok na po lahat Mommy." Sabi ko dito.

"Mag ingat kayo doon. Iha. Pupunta ako doon sa isang linggo huh." Sabi nito.

"Opo Mommy, mag ingat din po kayo dito." Sabi ko.

"Pano po yan Mommy aalis na kami huh." Sabi ko.

"Sigurado ka na talaga?" Tanong ni Mommy sakin.

"Opo." Sagot ko habang tumatango pa.

"Sige na baka magising na si Albert." Sabi nito at niyakap akong muli.

Nasa loob na ng SUV si Mama nag hihintay sakin. Kahit ang driver/bodyguard ay nasa loob na din. Meron na din daw nag hihintay na sasakyan samin sa palawan.

"Bye po." Palaam ko dito.

"Bye." Sabi nito.

Kumaway na din ako kila Wendy doon at kahit sa mga guard doon. Alam nila na ito pero lahat sila ay kailangan itikom ang bibig. Ang cctv sa loob at labas ng bahay na dinadaanan namin kanina ay naka off, pag alis pa namin i o-on yun.

Pumasok na ko sa loob ng SUV at kumaway ulit sa mga ito bago isara ang pintuan ng sasakyan.

"Tara na Kuya Jon." Sabi ko sa driver.

"Ok po Ma'am." Sabi nito.

Nag simula na itong lumabas sa mansion. Sumilip pa ko sa loob at nadoon parin sila Mommy at nakatunghay sa pag alis namin. Ngumiti ako ng mapait.

'Ito ang gusto ko paninindigan ko.' sabi ko sa isip ko.

Titingin tingin lang ako sa labas ng sasakyan. Pinapanood ang iilang gusali na nag bubukas na. Napangiti ako.

'Babalikan ko kayo.' sabi ko sa isip ko.

"Anak?" Tawag sakin ni Mama.

Humarap ako dito. "Po?"

"Gusto mo talaga ito?" Tanong nito.

"Opo Ma." Sabi ko.

Tumango nalang ito sakin at tumingin din sa labas ng bintana.

"AHH." ungol ko ng sumigid ang kirot sa ulo ko. Bumangon akong nakapikit at sumandal sa headboard ng kama. Kinapa ko ang tabi ko pero walang nakahiga doon.

Kaya nag mulat na ko ng Mata. 'Baka bumaba na.' sabi ko sa isip ko.

May kumatok sa kwarto ko. "Pasok." Sabi ko.

"Sir, ito po pag kain at gamot para po mawala ang hang over niyo." Sabi ni Wendy ng makapasok at inilapag sa lamesa sa kwarto ang dalang tray.

"Where's Joyce?" Tanong ko dito at sumilip sa orasan.

"6:50." Sabi ko.

"Di ko po alam Sir." Sabi nito at lumabas na.

"Di alam?" Tanong ko sa sarili ko. Nag kipit balikan nalang ako at bumangon. Nag tungo muna ko sa cr para maligo.

Nang matapos ay lumabas akong naka towel lang. Umupo ako sa upuan sa gilid ng mesa at nag simulang kumain para mainom na ang advil.

Nang matapos doon ay nag tungo ako sa closet at nag bihis ng simple damit lang. Lumabas na ko doon habang nag sosoot ng tshirt ko.

Lumabas na din ako sa kwarto kasama ang pinagkainan ko. Nakasalubong ko sa baba si Wendy kaya kinuha nito ang tray na kinainan ko.

Nakita ko si Mommy na palabas ng bahay. "Mom, where are you going?" Tanong ko dito.

BOSS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon