CHAPTER 27

2.2K 42 0
                                        

"ISANG tanong Joyce." Sabi ko dito. Sumandal ako sa pintuan at pinag cross ang mga braso.

"Anak ko ba si Baby JK?" Deretsyong tanong ko dito.

Tumayo ito at humarap sakin. "Oo." Deretsyong sagot nito.

"Bakit mo nagawa sakin ito?"

"Hindi mo naman siguro nakakalimutan ang sinasabi ko sayo noong kinasal tayo sa mayor samin." Sabi nito. "At siguro naman nakita mo ang video na nasa cellphone ko noon."

"Nung umalis kaba, buntis kana?" Tanong ko dito.

"Nung araw na yun ay nag pa check up ako dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Kasama ko sila Mama at Mommy. And then ayun nalaman naming buntis ako. Isusurprice sana kita kinabukasan pero ako ang na surpresa kinagabihan." Sabi nito at iniwas ang tingin sakin.

"I'm sorry." Nasabi ko nalang dito.

"Huli na ang paghihingi mo ng tawad. Nang yare na at iniwan na kita." Sabi nito sakin.

"Pero ito nandito ka na, kayo. Pwede naman tayo muling mag simula diba." Sabi ko dito at umalis sa pag kakasandal ko sa pinto.

"Hindi ko alam kung magiging gaya tayo ng dati. Natuto na ko." Sabi nito.

BUMABA na kami pag tapos naming mag usap.

Nang maka baba ay naka upo sa sofa sila Mama at Richard. Si Richard ang may hawak kay Baby JK.

"Chard, hindi mo sinama si Brownie?" Hanap ko dito sa aso.

"Hindi na eh." Sabi nito sakin.

"Eh sino nag babantay doon?" Tanong ko dito.

"Pinabantayan ko sa mga katulong doon." Sabi nito.

Umupo ako sa tabi nito at kinuha si Baby Jk. "Ah ganun ba." Na sabi ko nalang.

Umalis sa pag kakasandal si Richard at medyo inilapit ang mukha sakin.

"Pinaiyak ka ba niya?" Tanong nito habang titig na titig sa mata ko.

"Hindi." Sabi ko dito. Kinapitan nito ang pisnge ko at hinarap dito. "Umiyak ka eh." Sabi nito.

"Naalala ko lang ang nakaraan." Sabi ko dito. Binitawan na naman nito ang mukha ko at tumango tango.

"Mom, we need to talk." Sabi ni Albert sa inang hindi mapakale.

"O-ok." Utal na sabi ni Mommy. Tumayo naman ito agad ng mag lakad si Albert patungo sa garden ng bahay. Sumunod naman agad si Mommy doon.

SAGLIT lang naman nag usap sila Mommy at Albert. "Hindi mo naman siguro inaway si Mommy noh." Sabi ko kay Albert ng umupo ito sa katabing singel sofa ng mahabang sofa. Sa katabi ko.

"Hindi ah." Sabi nito sakin.

"Mommy di ka naman inaway o pinag sabihan nitong anak niyo?" Tanong ko Kay Mommy na umupo sa isa pang mahabang sofa sa tabi ni Mama.

"Hindi anak. Kinausap lang niya ko." Sabi nito.

Mag sasalita sana ako ng umiyak si Baby JK. "Inaantok ba ang Baby JK ni mommy." Tanong ko dito habang hinehele ko ito.

"Oo anak kanina pa yan inaantok, pero munkhang excited din makita ka kaya hindi nakatulog sa byahe." sabi ni Mama.

"Ah ganun ba Ma, ako na po mag papatulog dito." Sabi ko dito at tumayo na.

"Mabuti pa nga kung ganun." Sabi ni Mama.

"Akyat na po muna kami Ma." Sabi ko at nag lakad na papunta sa hagdan.

BOSS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon