CHAPTER 10

2.4K 41 0
                                        

NAKAKA APAT na araw na kami dito sa Palawan. Pero madalang parin akong pansinin ni Joyce.

"Albert." tawag sakin ni Tatay.

"Po?" tanong ko.

"Mag usap tayo." sabi nito.

"Sige po." sabi ko.

Nag tungo kami sa sala ng bahay nila at umupo sa sofa doon. Mag kaharapan kami ni Tatay.

"Ano po ang pag uusapan natin?" tanong ko.

"May nang yari na ba sa inyo ng apo ko?" seryosong tanong nito.

Napatingin ako sa tabi nito. Na doon ang itak nito. Napalunok ako ng ilang bese. Bago ito sagutin. "M-meron na po." sabi ko.

"Pakasalan mo ang apo ko."

"Ho?" nabibiglang tanong ko.

"Pakasalan mo ang apo ko." sabi ulit nito.

"Paano pag may na buo kayo, hindi mo papanagutan ang apo ko?" tanong nito.

"Sa ayaw at---"

"Opo." sagot ko bigla.

"Anung opo?" tanong nito.

"Papakasalan ko naman po talaga si Joyce." seryosong sabi ko.

"Mabuti kung ganun. Papunta na ang tito ni Joyce dito na mag dadala ng papelis para sa pag aayos ng kasal. Sa isang araw ay kay mayor naman kayo ikakasal. Hindi na ako bumabata, iho. Gusto ko bago ako mawala ay nasa tamang tao si Joyce." sabi nito.

"Alam na po ba ni Joyce to?" tanong ko.

"Hindi pa. Umalis sila hindi ba?."

"Oo nga po pala."

"Pag balik nila ay sasabihin ko agad." sabi nito.

"Ibalik mo ito kung saan naka lagay." sabi nito habang inaabot ang itak nito.

"O-ok po." sabi ko at tyaka kinuha ang itak nito.

Nag tungo ako sa kusina at inilagay sa dating lagayan yun.

Pag balik ko sa sala ay saktong pag bukas ng pinto. Napatingin ako doon. "Tay?." Tawag ng isang lalaki pumasok.

"Oh, narito kana pala. Halika dito at maupo ka sa tabi ko." sabi ng matanda. Sumunod naman ang lalaking may edad na din.

"Nasan ang pamangkin ko at pinsan?" tanong ng lalaki.

"Umalis, pero kanina pa naman yun. Baka pauwi na yun." sabi nito.

"Ah ito pala ang mapapangasawa ng pamangkin mo na boss din niya, si Albert." pakilala sakin ni Tatay.

" Ang gwapong bata ah." sabi pa ng isang lalaki.

"Ah ako nga pala si Joey, tito ni Joyce." pakilala nito.

"Albert po." nakangiting sabi nito.

Ilang minuto pa kaming nag usap doon bago dumating sila Joyce.

"Tito Joey." nakangiting sabi nito sa Tito.

"Pamangkin ko." nakangiting sabi din ng Tito.

Nag yakapan ang dalawa. "Naparito ho kayo?" tanong ni Joyce.

"Pinapunta ako ni Tatay eh at pinadala yung mga papeles para sa--" na hinto ito sa pag sasalita nang magsalita si Tatay.

"Maupo kayo." sabi nito.

Naupo naman si Joyce at sila Mama Judy at Mom ay nag tungo muna sa kusina para dalin ang mga pinamili ng mga ito. Pero bumalik din agad at umupo sa tabi ni Joyce.

BOSS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon