NAKATINGIN lang ako sa dinadaanan namin. 8 na ng umaaga at ihahatid ako ni Albert sa bahay. Nang ibigay nito ang cellphone ko kanina ay binuksan ko agad yun. Madaming missed calls at Texts sila Mama, Richard at Berna. Panigurado akong nag aalala ang mga yung sakin kaya nag text ako agad sa mga itong ayos lang ako.
Nilingon ko si Albert. "Albert." Mahinang tawag ko dito.
"Hmm?"
"Mag leave sana ako agad next week kahit dalawang araw lang." Sabi ko dito.
Lumingon ito sakin na nakakunot noo. "Bakit?" Pag kasabi niya nun ay tinutok ulit nito ang atensyon sa kalsada.
Nilipat ko ulit ang tingin ko sa labas. "May mga importante lang akong gagawin." Sabi ko dito.
"Ano naman yun?" Tanong nito.
"Kailangan mo bang malaman yun?" Tanong ko dito.
"Oo naman dahil Boss mo na ko simula ngayon." Sabi nito.
"Alam mo kung hindi ko lang kailangan ng pera pang gastos sa kanila hindi ako mag tratrabaho." Sabi ko dito.
"Hindi mo naman talaga kailangan mag trabaho. Pwede ka namang humingi lang sakin." Seryosong sabi nito ng lumiko na kami samin.
"Hindi ko kailangan humingi sayo kung kaya ko naman kumita. Gusto ko pati na ako mismo ang gagastos ng gastusin niya." Seryosong sabi ko.
"Ikaw ang bahala. Nasasayo naman yun. Pero kung di mo na kayang mag trabaho, nadito lang ako handang tumulong sayo Joyce." Sabi nito.
"So balik tayo sa topic. Pwede ba ko mag leave agad?" Tanong ko dito ng huminto ito sa may labasan namin.
"Basta isasama mo ko." Sabi nito.
"Hindi pwede." Sabi ko.
"Edi hindi din pwede na umalis ka." Sabi nito at sumandal sa sandalan ng upuan nito.
"Ano bang gusto mong gawin ko para payagan mo ko?" Tanong ko dito.
"Hindi kita papayagan hanggat di ka pumapayag na sumama ko sayo." Sabi nito.
"Hays!." Inis na asik ko dito. Padabog kong binuksan ang pinto at nag lakad na papasok sa iskinita namin.
Malalaki ang hakbang ang ginawa ko kaya agad akong nakarating sa gate namin. Kinuha ko ang susi ng bahay sa bag ko at binuksan yun. Sinara ko lang ang gate at dumiretsyo sa pinto ng bahay. Binuksan ko din yun at sinara. Nag palit ako ng tsinelas doon.
"Berna?" Tawag ko sa kaibigan ko. Walang sumagot kaya umakyat na ko.
Dumeretsyo ako sa kwarto ng kaibigan ko. Pag bukas ko ay ang sarap ng tulog nito. Lumapit ako sa kama nito. Pinalo ko ito sa pwet.
"Ouch!" Inis na sabi nito. Antok ang mga matang iminulat nito.
"Jusko kung panaginip lang na nadito ka Joyce mag pakita kana samin." Antok na sabi nito.
Hinampas ko ulit ito. "Aray huh!" Inis na sabi nito.
" Huy babaita ako ito. Totoong na dito na ko sa harap mo!" Sigaw ko dito.
Bigla itong bumangon at nag kusot ng mata.
"Joyce besh ikaw ba yan?" Takang tanong nito. Kinurot ko ito sa pisnge. "Ano gising kana?" Tanong ko dito.
"OMG besh san kaba galing?" Tanong nito ng makatayo ito sa harap ko.
"Si Albert ang may gawa kung bat nawala ako agad." Sabi ko dito.
"Huh? Si Albert yung asawa mo?" Tanong nito.
"Sino pa bang Albert ang pangalan na kilala natin aber?"
![](https://img.wattpad.com/cover/226451644-288-k901112.jpg)
BINABASA MO ANG
BOSS (COMPLETED)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT |R-18 Hindi ako mayaman na tao pero pinalaki ako ng nanay ko ng maayos. maginhawa ang buhay namin dahil sa pamilya Del Rio. Lalo na at napakabait ni Ma'am Audrey. Siya ang nag paaral sakin nakapag tapos naman ako pero hindi l...