"IHA?" Tawag sakin ni Mommy Audrey, Yes mommy na tawag ko sa kanya dahil ayun ang gusto niya so sumusunod lang ako heheh.
"Po?"
"Na balita ang lugar ninyo sa Palawan na madami daw na salanta ng bagyo. Nadamay ba ang sa mga lolo mo?" Tanong nito at umupo sa tabi ko sa sala.(guys gawa gawa lang itong bagyo huh ,heheh)
"Ah hindi naman po kami na damay pero yung kalahati ng tanim nila doon ay medyo na sira po dahil sa biglaang baha din." Sabi ko.
"Kailangan niyo ba ng tulong?" Tanong pa nito.
"Hindi naman na daw po kailangan dahil nililinis nalang ng mga tauhan nila ang mga nasirang pananim at pinapalitan ng bago." Sabi ko.
"Pero yung kababayan niyo kailangan ng tulong hindi ba?"
"Ah opo madami din po kaseng nasiraan ng bahay doon, kaya sa gym na nanatili para kahit papano ay may ma tuluyan." Sabi ko.
"Mag papadala ako ng tulong sa inyo at sa bahay ninyo sana ibabagsak ang mga pagkain at mga kailangan pa nilang iba doon. Ok lang ba? Bukas din ang punta na natin sa inyo. Dapat ay sa friday pa. Pero bukas na ng hapon ang alis natin para makatulong sa mga kababayan niyo doon." Nakangitin sabi nito.
"Maraming salamat po Mommy." Sabi ko at niyakap ito.
"Wala yun iha." Sabi nito.
Humiwalay na ko ng yakap dito at tumingin ng oras sa cellphone ko.
"Mag lunch na pala Mommy, plano ko po kaseng dalhan ng lunch si Albert." Sabi ko dito at tumayo na.
"Ah sige iha. Ipapahatid kita sa driver." Sabi nito.
"Sige po salamat." Sabi ko.
Nag tungo na ko sa kusina at naabutan ko si Mama na nag hahanda na ng dadalin ko.
"Oh sakto patapos na ko dito." Sabi nito at inilagay na sa bag ang tupperweard ng ulam at kanin.
"Oh ito na anak, ingat sa pag punta doon huh." Paalala pa nito.
"Opo Ma." Ngiting sabi ko at niyakap ito ng saglit.
"Alis na po ako." Paalam ko sa dalawa.
"Ingat iha/anak." Sabay na sabi ng mga ito.
"Opo." Sabi ko at kinuha na ang body bag ko na may laman lang ng cellphone at wallet.
Lumabas na ko at nag hihintay na ang driver sa labas.
Pinag buksan ako nito ng pinto sa back seat. "Thank you manong." Sabi ko ng makapasok. Ngumiti lang ito saakin.
Kalahating oras din ang inabot namin sa pag byahe dahil medyo traffic din.
Pinag buksan ako ng pinto ni Manong at inalalayan pa na bumaba.
"Salamat manong." Sabi ko.
"Dito ko nalang po kayo hintayin." Sabi nito.
"Sige po." Sabi ko.
Nag lakad na ako papasok doon.
"Good afternoon po Ma'am." Nakangiting bati sakin ng guard.
"Godd afternoon din po." Nakangiting bati ko din dito.
Madami pang bumati sakin hanggang sa makapasok ako sa elevator. Pinindot ko ang huling floor ng building.
Nang mga nasa 5ft floor ako ay huminto yun at bumukas.
"Good afternoon po ma'am." Bati ng isang lalaking nag tratrabaho doon.
BINABASA MO ANG
BOSS (COMPLETED)
Roman d'amourWARNING: MATURE CONTENT |R-18 Hindi ako mayaman na tao pero pinalaki ako ng nanay ko ng maayos. maginhawa ang buhay namin dahil sa pamilya Del Rio. Lalo na at napakabait ni Ma'am Audrey. Siya ang nag paaral sakin nakapag tapos naman ako pero hindi l...
