CHAPTER 18

1.9K 44 1
                                    

"KUYA JONtawag ka nga ng mga tauhan na pwedeng mag dala ng gamit dito sa bahay. Lilipat muna tayo kila Richard pansamantala." Sabi ko.

"Ok po Ma'am." Sabi ni Kuya Jon at lumabas na.

"Bakit anak?" Tanong ni Mama.

"Ma, ang sabi ni Richard ay alam na ni Albert kung nasaan tayo." Sabi ko.

"Ah ganun ba." Sabi ni Mama.

"Besh bakit mo kami pinapunta dito?" Tanong ni Badeth na kakapasok lang sa bahay.

"Lilipat muna kami kila Richard. Kase ang sabi ni Richard ay alam na ni Albert kung nasan kami ni Mama, at may plano na pumunta dito." Sabi ko.

"Ah ganun ba." Sabi nito.

"Sasama ba kayo?" Tanong ko.

"Oo, mag kalapit bahay lang naman kami halos ni Richard kaya sabay sabay na tayong pumunta sa coron." Sabi ni Edward.

"Luh, malapit ang bahay mo kila Joyce diba?" Tanong ni Badeth kay Edward.

Napakamot sa batok si Edward. "Binili ko yung isang bahay ni Richard. Natalo niya kase ako kaya napabili ako sa wala sa oras." Sabi nito. Kinurot ito ni Badeth sa tagiliran.

"Yan gastos ka na naman." Gigil na sabi ni Badeth.

"Bahay naman natin eh." Paliwanag naman ng isa.

"Ewan sayo." Sabi nito.

"Nako kayong dalawa parati nalang nag aaway eh." Sabi ni Mama.

"Ito kasing si Edward, Tita." Inis na sabi ni Badeth at turo kay Edward.

"Nako iha kung para sa iyo, inyo naman pala eh ok lang na pag gastusan ka niyan." Sabi ni Mama.

"Nako mag ayos na nga kayo at aalis na din tayo agad." Sabi ko sa dalawa.

"Yes Ma'am." Sabi ni Badeth at hinila na palabas si Edward.

"Ako na mag aayos ng gamit natin anak." Sabi ni Mama.

"Tutulungan - aww." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng medyo humilab ang tyan ko. Napakapit ako doon at sa likod ng sofa.

"Anak ayos ka lang ba?" Tanong ni Mama.

"Ok lang Ma. Medyo sumakit lang ang tyan ko." Sabi ko at huminga ng malalim. Bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Jon.

"Naka tawag na po ako ng tutulong sa pag kuha ng gamit at ilang minuto ay dadating na ang mga yun." Sabi nito.

"Sige ok iho. Pwede ba na tulungan mo ako na mag ayos ng gamit." Sabi ni Mama habang inalalayan akong umupo.

"Opo naman." Sabi ni Kuya Jon. Pumasok na ang mga ito sa kwarto. Habang ako ay nakaupo lang sa sofa.

Tumunog ang cellphone kong nasa tabi ko. Kinuha ko yun at sinagot ang tawag ni Mommy sa Line.

"Hello Mommy." Sabi ko.

"Hello iha, pauwi na ako pero huminto muna kami dito sa Hongkong mamimili lang ako. May gusto ka bang ipabili?" Sabi at tanong nito.

"Wala naman po." Sabi ko.

"Kilan ka daw mag stay sa hospital ilang araw nalang  ay manganganak kana diba?" Tanong nito.

"Ah, malapit lang naman ang clinic dito My. Di na kailangan." Sabi ko.

"Ah, ikaw ang bahala. Sige na paalam muna. Baka bukas ay na jaan na ako. Uuwi muna ako samin." Sabi pa nito.

"Sige po ingat po kayo." Sabi ko.

BOSS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon