CHAPTER 14

1.9K 45 2
                                    

"SURE KA SA GUSTO MO?" Tanong sakin ni Richard.

"Oo." Sabi ko.

"Ok, tutulungan kita." Sabi nito.

"Can i have your number?" Tanong nito sakin.

"Wala akong cellphone na dala iniwan ko doon kase may GPS siya doon." Sabi ko.

"Ow, akin nalang ang kunin mo." Sabi nito at tumayo lumapit sa lamesa nito at may kinuha doon.

"This is my personal number." Sabi nito sabay abot ng calling card nito.

Tumayo ako at kinuha yun. "Pano ba yan Richard una na kami huh." Sabi ko dito.

"Ok, hatid ko na kayo." Sabi nito. Tumango lang ako at lumabas na kami.

Habang palabas sa airport ay nag kwe-kwentuhan pa kami. Nang mahatid kami sa labas ay nag paalam na ito.

"Una na ako Joyce, may meeting pa ko eh." Sabi nito.

"Sige salamat Richard." Sabi ko.

" Wala yun." Sabi nito. "Text or call mo nalang ako if naka hanap na kayo ng tutuluyan." Sabi pa nito tumango ako dito. Bumiso muna ito samin bago umalis.

Pinag buksan kami ni kuya Jon ng pinto. Nauna na si Mama pumasok. May isa pang lalaki doon na naka uniform na gaya ni Kuya Jon at may iniabot ito sakin na itim na kahon.

"Ano ito?" Tanong ko.

"Pinapabigay po ni Madam Audrey." Sabi nito.

"Ah." Nasabi ko nalang.

Binuksan ko yun at nagulat ng makita ang laman.

May cellphone, card at laptop doon.

"A-akin talaga ito?" Tanong ko.

"Opo Ma'am." Sabi nito.

"Anak tara na." Sabi ni Mama.

Pumasok na ko sa kotse at tumabi ng upo dito.

"Tayo na po ba Ma'am?" Tanong ni Kuya Jon na kakapasok lang sa driver seat.

"Oo, hinto muna tayo sa isang fastfood na malapit para kumain." Sabi ko.

"Ok po Ma'am." Sabi nito at sinimulan ng mag maneho.

Kinuha ko sa tabi ko ang body bag ko at kinuha ang wallet doon. Kinuha ko ang isang maliit na papel na may number nila Badeth.

"Ano yang nasa kahon anak?" Tanong ni Mama.

Inabot ko dito at pinabuksan.

"Oh." Nasabi nalang nito.

"Bibili tayo ng cellphone niyo mamaya Ma." Sabi ko.

"Wag na anak." Sabi nito.

"Bibili tayo Ma. Kailangan niyo nun. May pera pa naman ako. Itong pera na nasa card ay ipang gagastos ko lang sa pag bubuntis ko." Sabi ko.

"Ok ikaw bahala ." Sabi nito. Tumango ako dito.

Kinuha ko ang cellphone doon at binuksan. May message na agad doon.

From: Mommy.

Iha, mag ingat kayo ni Mama mo jan huh. Itong cellphone na gamit mo ay gamitin mong pang text sakin o tawag. Ang laptop naman ay bahala ka na kung saan mong gusto gamitin. Ang card ay pang gastos mo sa mga kailangan mo ni Mama mo. 50k every month ang ilalagay ko jan huh. Wag ka ng mahiya na gamitin ang pera. Asawa ka ng anak ko. Kaya kung ano ang amin ay sa inyo na din ni Judy. Ok? Pupunta ako jan sa isang linggo gaya ng sabi ko.

Ayan ang naka lagay sa text ni Mommy sakin.
Nag punta ko sa phone at tinype ang number nila Badeth doon. Nang matapos ay nag Text ako kay Badeth.

To: Badeth

Badeth, si Joyce ito. Baka ma help mo ko need ko matutuluyan nasa coron kaba?.

Text ko kay Badeth.

"Ma'am dito po ok na kayo?" Tanong ni Kuya Jon. Sumilip ako sa labas at nakita ang hinintuan namin.

"Oo kuya dito nalang tayo kumain." Sabi ko.

Nag park ito at pinag buksan kami ng pintuan. "Sumama kayo samin huh, pare pareho tayong wala pang kain." Sabi ko.

"Ok po Ma'am." Sabi nito.

Pumasok na kami doon at pumila na ko. Pina hanap ko na sila ng mauupuan ng tumunog ang cellphone ko.

From: Badeth.

Bakit? Nasa palawan ka ulit?"

To: Badeth.

Oo eh. Ma help mo ba ko? Kami ni mama.

From: Badeth.

Oo naman kita tayo sa ***.

To: Badeth.

Text kita pag na jan na kami. Kakain muna kami.

From: Badeth.

Ok. Ingat kayo ni Tita.

Usapan namin. Umupo na ko sa lamesa namin dahil nakuha ko na order namin.

"Ang dami naman ng chicken fillet bucket mo Anak?"

"Hehe, ito gusto ko Ma." Sabi ko at sinimulang kumain. " Hmm." Ungol ko ng manuot ang lasa nun sakin.

"Jan kaba mag lilihi?" Tanong nito.

"Ewan." Sabi ko at nag kipit balikat pa.

'BAKIT hindi ko ba naisipan na silipin ang closet kanina at mga gamit ni Mama sa kwarto nito. Hindi ko na alam gagawin ko.' sabi ko sa isip ko habang nag pabalik balik sa loob ng kwarto.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang kaibigan ko.

"Hello, napatawag ka?" Tanong ni Rem.

"Ipapahanap ko sana kung na saan ang asawa ko?" Patanong na sabi ko.

"Bakit? Nawawala? Umalis? "

"Umalis." Sabi ko.

"Bakit?" Tanong nito.

"Napaka chismoso mo eh no. Kung gawin mo nalang pinapagawa ko sayo." Inis na sabi ko dito.

"Utang?" Tanong nito

"Mag kano?" Tanong ko.

"Libre pag sayo syempre." Sabi nito.

"Good, balitaan mo ko agad." Sabi ko.

"Ok. Bat hindi mo itanong kay Tita baka alam." Sabi nito.

"Wala si Mommy. Nasa meeting hindi pati sinasagot tawag ko." Sabi ko.

"Ok, wait ka lang jan." Sabi nito. "Pero hindi ako na ngangako na masasabi ko kung nasaan siya huh." Sabi nito.

"Ok sige thanks." Sabi ko at binaba na ang tawag.

Tinanong ko na ulit sila Wendy kung alam nila kung nasaan si Joyce hindi daw nila alam at hindi naman daw nila ito nakitang umalis.

Si Mommy naman ayaw sagutin tawag at text ko. Hihintayin ko pa ang tapos ng meeting nun. Tinawagan ko na secretary ni Mommy ang sabi ay marami daw ka meeting si Mommy ngayon.

"Ahh!" Inis na sabi ko.

"Joyce baby, wag mong gawin sakin to." Sabi ko.

'Hindi na ko iinom ng alak ng may kasamang babae talaga' sabi ko sa isip ko at kinaltukan ang sarili.

'Bat ba nag inom pa ko kagabi!" Inis na sabi ko.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Bumaba ako at nag tungo sa likod bahay at pumasok sa gym ko sa bahay.

Nag hubad ako ng damit at inilagay doon sa ibabaw nun ang cellphone ko. 

Lumapit ako sa punching bag ko doon at pinag susuntok suntok yun.

🐼Mami_panda.

Hey hahahah wala ko masabi.


BOSS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon